"Emz, wala ata tayo sa mood? Tamlay natin ah." Puna ni Juztin. Sinamahan ko silang ilagay ang pagkain sa kusina. Malapit na ang tanghalian. Mukhang sadya talaga ang pagdalaw ng dalawa sa amin dahil sapat ang pagkaing dala ng mga ito para sa aming lahat.

"Nope, bored lang. Wala na kasi akong maisipang gawin. Ayoko rin naman ng nilalaro nila. Hindi ako marunong." I laughed. Juztin exused himself to use the washroom after he placed the food on the kitchen counter.

"Don't worry, hindi ka nag-iisa." ngiti ni Karlo sa akin.

"Bored ka rin?" I innocently asked him. Humilig ako sa kitchen counter.

Tumawa ito. "Nope. I mean hindi rin ako marunong maglaro ng baraha." He confided. Parang nahihiya pa. Tumawa na rin ako. Nakakahiya bang malaman ng iba na wala kang alam sa braha?

"Now, we have something in common!" Wika ko habang tumatawa.

"Oy, pasali naman ng usapan niyo. Ang daya ha." Singit ni Juztin na kakalabas lang sa wathroom. Lumapit sa lababo na nasa tabi ko. He washed his hands thoroughly. Kung pagbabasehan ang paraan ng kilos at pananamit ng dalawa, malalaman mong galing sila sa marangyang pamilya. They have this finesse na bihirang makita sa karaniwang tao.

"Thank you sa libreng food ha. Anong pumasok sa isip ninyo at bumili kayo ng pagkain? Marami ang dala niyo ha." Nasa sala na kami at nanonood ng TV. Pumasok na rin ang mga kaibigan ko at nakisali na rin sa amin.

"Ahm, birthday ko kasi." Wika ni Karlo na napakamot pa sa ulo. Nasurpresa naman kami sa sinabi niya.

"Pwera biro?" Mary asked, doubtful.

"Yung totoo?" Singit naman ni Aireen.

"Weeehhh?" Panunuya pa ni Jaze. If I know crush niya ang dalawang ito. But then again, he always has a crush to every guy he sees.

"That's true. Kaarawan niya talaga ngayon. Actually, nakapag spend na siya ng birthday niya kagabi with our team. Kaso gusto niya sa inyo rin daw." Ngisi pa ni Juztin sabay siko kay Karlo na napasimangot sa eksplenasyon ng una.

"Aww. I'm so touched." Si Jaze.

"Okay lang ba?" Nahihiya pang tanong ni Karlo.

"Sus! Naman! Game kami dyan! So ano bar tayo mamayang gabi?" Bulalas ni Aireen na tinanguan ng lahat. Okay lang din naman sa akin since bored din ako.

"Gusto mo lang ata makasama si Emz eh. Nako may boy...." Ang nawika ni Jaze na hindi natuloy dahil binato ko ng unan. I gave him a deadly glare that made him raise his two hands in the air and mouthed sorry.

"Ang gustong sabihin ni Jaze is, bawal muna si Emz magboyfriend. Magagalit kuya niya sa kanya." Salo ni Mary na sinamaan din ng tingin si Jaze.

Hay nako si Jaze. Mapapahamak pa ako pag nagkataon. Tumango lang naman ang dalawa ngunit hindi nakaligtas sa akin ang paglambong sa mukha ni Karlo.

Masaya ang buong maghapon namin. Nagpunta pa kami sa kanto at nagrent ng videoke machine. At yun nga, wala na namang ginawa ang mga ito kundi ang ipasa sa akin ang mikropono.

Hindi miminsan na nahuhuli ko ang panakaw na titig sa akin ni Karlo. Hindi ako manhid para hindi ko makuha ang gusto niyang iparating pero wala talaga siyang maaasahan sa akin. Once na mag-confide siya sa nararamdaman niya sa akin, I'll tell him straight to the point para hindi na siya umasa pa. I want us to be friends and I prefer us to be that way for the longest period of time.

Kinagabihan ay nagtungo kami sa Clubmix Bar. Dito ko unang nakita si Lawrence at sa panahon na iyon, siguro ay nakuha na rin nito ang puso ko.

"Drinks, anyone?" Ttanong ni Juztin. Sinabi namin ang mga gusto naming inumin. Mataas ang tolerance ko sa alak pero ruit juice lang ang inorder ko.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now