She raised a voice, "Sagot! Tatakas ka nanaman, 'no?" 

"Lalabas ako," mahinang sagot ko habang nakayuko.

"Lalabas? At saan ka naman pupunta, aber?"

Tss! Para akong sisintensyahin, pucha!

"Basta.. may emergency," I answered, letting out a sigh.

"Emergency? Anong emergency?! Bawal nang lumabas!"

Napapadyak ako dahil sa inis, "Aish! Kailangan ko talagang umalis, Ate Badet!"

"Hindi puwede! Bumalik ka na sa kwarto mo. Alam mo ang patakaran dito, Rhea. Tigas nanaman ng ulo mo!"

"Ate Badet naman," wika ko sabay kuha ng kanang kamay niya na dahilan upang magulat siya. "Please, palabasin mo na ako. Emergency lang talaga. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa kaba."

"Ha? Bakit?" agad nag-iba ang timpla ng mukha niya.

"Hindi pa kasi nagre-reply si Zhavie. Sabi ko i-update niya ako kapag nasa bus station na siya pero ni isang tuldok wala. Kanina pa iyon umalis dito, tignan mo mag aalas-dose na."

"Baka lowbatt lang iyon kaya bumalik ka na sa kwarto mo," sagot nito sabay tinalikuran ako.

"Hindi. Masama talaga kutob ko. Ilang oras na ang lumipas, ibig sabihin nakarating na siya sa bahay nila. Pero bakit wala pa rin siyang paramdam?"

Napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko.

"Please? Tatanawin kong utang na loob 'to. Kailangan ko lang talagang pumunta ng bus station dahil kapag may nangyaring masama sa kaniya..."

"Kapag may nangyaring masama? O ano?" muli siyang humarap sa akin.

"...hindi ko kakayanin. Siya lang ang kaibigan ko kaya sige na, palabasin mo na ako. Promise magiging mabait na ako sa iyo. Hindi na rin ako tatakas at magiging pasaway."

"Sige. Pagbibigyan kita ngayon at siguraduhin mong sa bus station ka talaga pupunta. Baka sa inuman ka lang didiretso malilintikan ka talaga sa aking bata ka!"

"Oo na. Oo na! Para kang tatay ko, e. Buksan mo na iyong gate."

She raised a brow, "Akala ko ba magiging mabait ka na?"

"Hehehe. Sorry, tara na buksan mo na po 'yong gate."

Pumara kaagad ako ng taxi upang makarating sa bus station. Hindi ko na nagawang kunin ang sukli ko dahil sa pagmamadali.

"Kanina pa nakaalis ang last trip, Miss." Napasabunot na lang ako sa buhok nang marinig ang sagot ng kundoktor.

Nakasakay na kaya si Zhavie? Bakit hindi pa rin siya sumasagot?!

Muli akong nagpadala ng mensahe sa kaniya. Ilang tawag na rin ang ginawa ko pati sa numero niya, ngunit hindi talaga siya sumasagot.

Dumiretso muna ako ng banyo upang maghilamos at pakalmahin ang sarili ko. 

Pinangunahan kaagad ako ng takot matapos makita ang isang pamilyar na pink bag na nasa ilalim—malapit sa paanan ko. Agad ko itong nilapitan at binuksan upang makumpirma ang hinala ko.

Fuck! Kay Zhavie nga 'to!

Naroon lahat ng gamit niya lalo na ang cellphone ngunit walang baterya. Sinubukan kong hanapin si Zhavie sa bawat cubicle dahil baka bigla lang nahimatay, ngunit wala akong natagpuan dahil wala nang ibang tao sa loob.

Gulong-gulo ang utak ko nang makalabas ako—tagaktak rin ang pawis habang pinipilit mag-isip ng gagawin upang mahanap si Zhavie.

"Oo, ang dami na talagang holdaper ngayon. May nanakawan ngang babae kanina, e. Buti hindi sinaktan, kaso tumama ulo niya sa bato. Ang ganda pa naman," rinig kong pinag-uusapan ng dalawang babaeng nasa harapan ko.

"O? Grabe naman. Nasaan na siya?" tanong ng kasama niya.

"Ewan. Kaya ikaw mag-ingat ka dahil talamak ang mga magnanakaw ngayon lalo na't Undas, sinasamantala nila kapag maraming tao."

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon