chapter 49

1.9K 34 0
                                    

Natatawa na lang ako habang pinakikinggan ko ang mga reklamo ni Ali patungkol sa mga kaibigan ni Aidan na patuloy daw ang pangungulit sa kanya kahit na wala na ako doon.

Kanina ko pa siya paulit-ulit na tinatanong kung sino sa dalawa ang natitipuhan niya. Panay naman siyang nakangiwi kapag tinatanong ko.

"Sino nga?"patuloy kong pangungulit sa kanya.

Inirapan niya ako habang isinusubo ang cake na kanina pa niya nilalantakan. Diet siya niya pero kung makalantak sa cake,grabe!

"Beshie,don't me please? Though I admit na yummy naman talaga yung dalawa. Di ba nga,poging-pogi ako sa kanila noon kaya lang beshie nung makilala ko na yung dalawa,nasusuya na ako. Ang bully bully nila lalo na si Chester. Nakakapikon!"napatingin ako sa cake na medyo nadudurog na kasi napapadiin na ang pagtusok niya ng tinidor dito.

"Ewan ko sa iyo! Baka naman binibiro ka lang nila. You know,harmless joke!"I pointed out.

Hindi siya umimik. Uminom siya ng juice.

"Hay naku! Change topic na nga tayo. Pagpahingahin mo nga ang utak ko dun sa dalawang yun."

"Oo nga pala,bakit hindi ka man lang nagpasabi na luluwas ka? Sa halip na sa akin kay magsabi,kay Aidan ka pa talaga nagsabi!"napangiwi siya.

"Surprise nga di ba? Kung sinabi ko sa iyo,eh di hindi na surprise yun."nakapamaywang niyang sabi.

"Ewan ko sa iyo,Alison."binitbit ko ang pinagkainan niya sa sink.

"Grabe siya! Huwag ka ng magtampo,gusto lang talaga kitang i-surprise. Miss na kaya kita. Ang lungkot-lungkot na dun sa bahay kasi wala ka. Sabi nga nung mga kapitbahay natin,dapat daw kumuha na ako ng bagong kasama,kaya lang sabi ko ayoko nga. Kaya ko naman,kung hindi rin lang ikaw ang makakasama ko huwag na lang."

CLOSER(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt