chapter 37

1.8K 37 2
                                    

Inayos ko ang laylayan ng bestidang suot ko. I puckered my lips once more bago umalis sa harap ng salamin. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ni Aidan nag-miryenda kami at habang kumakain kami inaya niya akong mamasyal daw kami. Ayaw ko nga sana kaya lang napilit rin niya ako nung bandang huli.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Aidan na nakatalikod sa akin. Nakapamulsa siya habang pabalik-balik ng lakad. Ang gwapo niyang tingnan sa suot niyang blue sweatshirt at dark blue maong pants kahit na nakatalikod pa siya sa akin.

Tumikhim ako. Nakangiti siyang humarap sa akin.

"God baby,you are so beautiful!"lumapit na siya sa akin. Pinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking baywang. Hinagkan niya ng mabilis ang aking labi.

Tinampal ko ang kanyang pisngi.

"Ang OA mo......maka-beautiful ka diyan wagas."

"Bakit? Totoo naman ah! Huwag na nga lang kaya tayong umalis."

"At bakit naman?"natatawa kong tanong.

Sumimangot naman siya.

"Baka kung ano lang magawa ko sa mga lalaking titingin sa iyo."

"Ewan ko sa iyo,tara na nga!"

Bumuntong-hininga muna siya bago binitiwan ang aking baywang pero hinagilap naman ang aking kamay at mahigpit na hinawakan.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko habang inaayos ko ang aking seatbelt.

"Sa mall lang naman baby. Di ba ganun ang ginagawa ng mga couples kapag magdi-date?"

I chuckled lightly.

"Mag-di-date pala tayo?"

"Oo naman,pasensiya ka na ha kasi wala talaga akong experience kahit kailan sa pakikipag-date kasi alam--

"Oo na,alam ko na huwag mo ng ituloy. Puro ka lang kasi landi!"inirapan ko siya.

Napakamot na lang siya sa kanyang batok.

"Do you want to buy something baby?"tanong niya sa akin habang papalapit kami sa isang malaking mall.

Umiling ako.

"Diyan na lang tayo magdi-dinner after natin maglakad-lakad then may pupuntahan pa tayo."aniya matapos niyang mai-park ang sasakyan.

CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now