chapter 36

1.8K 35 0
                                    

I bit my lips while slowly trying to open my eyes. Napangiti ako ng maramdaman ang maliliit na halik sa aking balikat na siyang dahilan ng aking pagkagising.




"Good afternoon baby!"Aidan greeted me with his husky voice.


Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya. Napangiti ako ng masalubong ko ang kanyang mga mata.


"I really love your eyes!"hinaplos ko ang kanyang mga mata.


Ngumiti siya. Napapikit ako. Halos parang hindi ko na kayang habulin ang lakas ng pintig ng puso ko. Ganito talaga kalakas ang epekto niya sa akin. Nakakapanghina pero masarap sa pakiramdam.


Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga labi sa akin. Nakaporma ng ngiti ang kanyang mga labi kaya napangiti na rin ako. Hindi ko iminulat ang aking mata. Tinugon ko ang halik niya. Hinapit pa niya ako lalo palapit sa kanya.




"God,baby! I love you so damn much!"kanina pa niya paulit-ulit na sinasabi yan sa akin bago kami matulog.


Yes,natulog lang kami. Yung iniisip ko kanina na baka kung saan mapunta yung mga halik niya sa akin hindi naman niya itinuloy. Nakuntento na siya sa paghalik sa akin. Halos gusto ko ngang mapaiyak ng sabihin niya sa aking inirerespesto niya ako ng lubos.



"Baby,kahit na gustong-gusto kong may mangyari sa atin ngayon ayaw kong sirain ang ipinangako ko kay Nanay. Tinanggap nila ako sa kabila ng lahat ng ipinagtapat ko at ito na lang ang maitutumbas ko baby. Tutuparin ko ang sinabi kong irerespeto kita kahit na gawin ko ang plan B. Mahal na mahal kita,Claudia."



That was his exact words. At sa sinabi niyang yun mas lalo lang akong nahulog sa kanya. Nawala na nga yung konting doubt ko sa kanya tungkol sa pagiging palikero niya kasi kung talagang lolokohin lang niya ako hindi na dapat niya inisip yung ipinangako niya kay Nanay di ba?



"What are you thinking,baby?"


Nakangiti akong umiling.



"Sure? No plans on leaving me?"seryoso niyang tanong.



Kumunot ang aking noo.


"Ano ba yang sinasabi mo?"



Bumuntong-hininga siya.


"Narinig ko ang sinabi ni Mommy sa iyo tungkol sa pagiging babaero ko."



CLOSER(COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα