chapter 8

2.4K 59 0
                                    

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang mga katok sa pinto.


"Mam Clau,may delivery na naman po kayo!. ,"bakas sa kanyang mga mata ang panunukso.


Bumuntong hininga ako.



"Saglit lang lalabas na rin ako."


"Okay po!"


Kinagat ko ang aking labi ng mawala sa pinto si Rica.



Simula ng umaga na maihatid ako ni Aidan dito sa botika at sabihin niyang gusto niya ako wala na ring palya ang pagpapadala niya ng kung anu-ano sa akin. Minsan flowers with chocolates tapos minsan naman pagkain at hindi lang para sa akin kundi pati na sa mga kasama ko dito pati na nga yung guard namin kasali rin.


Pinagsabihan ko na nga na tigilan na niya kasi baka kako mamulubi siya sa ginagawa niya. Sagutin ba naman ako na kahit na maubos ang pera niya ang mahalaga ako naman ang kapalit ng lahat ng yun.


Hindi nga ako nakaimik sa sinabi niyang yun. Basta ang init init ng pagmumukha ko nung sinabi niya yun. Kinilig talaga ako ng sobra. Nasugat ko pa nga ang labi ko dahil sa sobrang pagkagat ko para mapigilan lang yung kilig na naramdaman ko.



"Ang tagal mo naman!"


Literal na napatalon ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita sa aking likod bago ko pa man maisara ang pinto ng aking opisina.


Hawak hawak ko pa ang aking dibdib ng humarap ako sa nakangising si Aidan.


Hinampas ko siya sa kanyang braso.



"Awww,baby!"napaatras pa siya makailag lang sa hampas ko.



"Nakakainis ka! Bakit ka nanggugulat ha!?. ,napahilot pa ako sa aking dibdib,sumakit kasi sa gulat ko.

"Hindi ko naman sinasadyang gulatin ka! Sorry na!. ,ngumuso pa siya." Gusto mo ako na maghilot ng dibdib mo,baby?. ,"ngumisi na siya.


Sinapak ko nga.

"Aray,baby ha! Battered boyfriend naman ang labas ko nito. ,


"Bakit! Sinagot na ba kita?. ,sinamaan ko pa siya ng tingin.


Bigla namang nawala ang ngisi niya.


Napalingon kami ng makarinig kami ng tawanan.



"Booom,sabog!"


Panay ang tawa ng dalawa niyang kaibigan at ng mga tindera ng narinig yata ang sinabi ko.


"Boyfriend pala ha!. ,pang-aasar pa sa kanya ni Chester.


"Tumigil ka diyan!. ,sinamaan niya ng tingin ang dalawa.

Kunwari naman ay sumeryoso ang dalawa pero halata namang pinipigilan nila ang kanilang pagtawa.


CLOSER(COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن