chapter 28

1.7K 39 0
                                    

"Ano bang sinasabi mong asungot si Thomas? He's my friend,Aidan. Tigilan mo na yang pag-iisip na aagawin niya ako sa iyo kasi kaibigan ko siya."marahan kong paliwanag sa kanya.

Inangat niya ang palad kong kanina pa niya hawak. Tinagilid niya ang kanyang mukha habang hawak ang aking kamay.

"I'm afraid,baby!"nanghihina niyang sinabi." I've never been this afraid.....pakiramdam ko lahat sila gusto kang agawin sa akin. Pakiramdam ko sinasamantala ni Magno na may problema tayong dalawa kaya lapit siya ng lapit sa iyo."

I rolled my eyes. Ang kulit din talaga nito.

"Ang kulit mo! Okay,I admit na matagal ding nanligaw sa akin si Thomas nung college pa kami---

"See! That's what i'm telling you gusto ka pa nung gagong yun. Ang tagal pala ha!"salubong ang kilay niyang sinabi.

Napasimangot ako. Pinalo ko siya sa braso.

"Patapusin mo nga muna ako! Ang kulit mo talaga!"tumitig siya sa akin pagkatapos muling hinalik-halikan ang aking kamay." Oo,he courted me pero wala naman akong naging tugon doon kundi ang maging magkaibigan na lang kami. He accepted it and since then Thomas became my one and only guy best friend. Tigilan mo na yung tao kasi kung iniisip mong aagawin niya ako sa iyo,inaasar ka lang nun kasi alam niya yung ginawa mo sa akin. At saka ano namang aagawin? sa iyo ba ako? Meron pa bang tayo pagkatapos ng mga nangyari?"tanong ko. I bit the insides of my lips to suppress my smile. Makapang-asar lang din.

Napangiwi ako ng higpitan niya ang hawak sa aking kamay. Madilim ang kanyang mga matang titig na titig sa akin at salubong na talaga ang kanyang mga kilay.

CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now