Chapter 10

2.2K 45 1
                                    

"Hoy!" Napaigtad ako ng hampasin ako ni Ali sa balikat dahilan upang matapon ang konti na lang naman na kape na laman ng tasang kanina ko pa pinagmamasdan.

Inirapan ko siya. Ang aga aga naman,sayang nung kape ko.

"Ano ba? Bakit nanghahampas ka na lang diyan? Tingnan mo natapon tuloy yung kape ko,sayang naman!

"Anong sayang,eh ang lamig lamig na nung kape mo oh! Pinanlakihan niya ako ng mata habang pinupunasan niya ang mesa." Lumamig na sa kakatitig mo,panay panay pa ang buntong hininga mo diyan. Anyare? Lq na kaagad kayo ni boyfie?

Umiling iling ako. Dahil sa pagkakabanggit niya kay Aidan naalala ko na naman tuloy yung babae kagabi.

"Oh yun naman pala! Anong ganap sa 'yo at kung makabuntong hininga ka eh parang pasan mo ang buong mundo?tanong niya. Umupo siya sa aking harapan at nakapangalumbabang tumingin sa akin." Ano na?"tila inip na inip niyang tanong.

Muli akong bumuntong hininga.

"Si Nanay kasi,tumawag sa akin kagabi si Clyde sabi niya masama daw ang pakiramdam niya pero sinigurado naman niya sa akin na ayos lang si Nanay.........kaya lang hindi ko maiwasang mag-alala."bumuntong hininga ako.

Nag-aalala kasi talaga ako kay Nanay. Sinabi ko naman kasi sa kanya dati pa huwag ng masyadong magluluto ng marami kasi mapapagod siya. Kung pwede nga lang huwag na siyang magluto kasi kaya ko namang tustusan ang pangangailangan namin kahit na pinapag-aral ko pa yung dalawa kong kapatid kaya lang si Nanay kasi may pagka-makulit din.

Ginagap ni Ali ang aking kamay.

"Huwag ka ng masyadong mag-isip diyan. Kapag sinabi ng kapatid mo na ayos si Nanay,ayos yun! Hindi naman magsisinungaling sa iyo si Clyde di ba?"ngumiti siya sa akin." Pero kung hindi mo naman talaga maiwasang mag-alala eh di umuwi ka muna kahit saglit lang masiguro mo lang ang kalagayan niya tutal day-off mo naman di ba?"

CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now