chapter 2

3.7K 59 0
                                    


"Hoy!. ,napaigtad ako ng batuhin ako ni Ali ng balot ng pansit canton na niluluto ko.

"Ano ba?. ,reklamo ko.

"Enebe?!. ,tulaley ka na diyan? Akala ko pa naman kung gaano na kakomplikado yang niluluto mo at ganyan ang itsura mo,pancit canton lang pala. ,

Humarap ako sa kanya at pinameywangan ko siya.

"Hoy,babae! Tigilan mo ako ha? Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sa akin. ,sabunutan kita diyan. ,

Bigla ay umamo ang kanyang mukha. ,"Ay naku,best! Ikaw naman,ang aga aga ang sungit sungit mo. ,hinaplos haplos pa niya ang aking likod.

Inirapan ko lang siya at muling humarap sa kalan.

Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya nung isang linggo. Nagpasundo sa akin yun pala sumama na sa kung sinong poncio pilato tapos hindi man lang naalalang itext ako para mag-abiso. Imagine muntik ng may masamang mangyari sa akin tapos siya pala nakikipaglampungan na. Ang galing di ba?

Speaking of that incident. Sumagi na naman tuloy sa isip ko yung mukhang Greek God na tumulong sa akin. Kumusta naman kaya yun? Kahit minsan kaya sumagi man lang ako sa isip nung poging yun?

Hay! Malala ka na,Claudia Victoriano! Kailan ka pa natutong lumandi.

Napailing na lang ako.

"Oh my God!. ,

Literal akong napatalon ng marinig kong sumigaw si Ali. Naitulak pa niya ako pagilid.

"Ano ka ba,girl? Kanina pa kulo ng kulo yung tubig,mapapaso ka na tulaley ka pa rin?. ,sermon niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong lumalabas na nga ang tubig sa kaserola.

"Sorry!. ,

"Ewan ko sa iyo,ano ba kasing iniisip mo diyan at kanina ka pa tulala?. ,

Hindi ko na lang siya sinagot. Hindi ko rin naman kasi maintindihan kung anong nangyayari sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon apektado pa rin ako sa lalaking yun.

"Ali,mauna na ako ha?. ,sigaw ko sa kanya. Naliligo kasi siya kaya sumigaw na lang ako.

Kailangan ko kasing pumasok ngayon ng maaga. May mga bagong hired na saleslady ngayon sa drugstore na pinapasukan ko at bilang branch manager kailangan ko silang makausap muna.

Pinakamalaking drugstore dito sa Daet ang pinagtatrabahuan ko. Ilang taon din akong nagtiyaga bago ako na-promote bilang branch manager. Sa katulad kong college undergraduate mahalaga na sa akin na pinagkatiwalaan ako sa ganitong posisyon.

CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now