chapter 5

2.8K 71 1
                                    


"I can't believe na itinago mo ito sa akin,Claudia?. ,napairap na lang ako sa muling pagtanong na iyon ni Alison." I mean,look at him ang gwapo gwapo niya tapos hindi ka man lang nagkwento,para namang aagawin ko siya sa iyo. ,inginuso pa niya ang ngayon ay papalapit na si Aidan. Kasunod niya ang waiter na bitbit ang kanyang mga order na alak.


"Ewan ko sa iyo,kanina ka pa tanong ng tanong tumigil ka na ha!. ,

Pinalo niya ako sa braso. Mahina siyang tumili sa tapat ng aking tenga.


"Oh my God! It's about time na magka-lovelife ka na! Shit! Ang gwapo niya talaga!. ,kinurot kurot pa niya ang aking bewang.

"Ano ba Ali,tumahimik ka nga! Lasing ka na ba agad?. ,


Pinagmasdan ko siya pero ang bruha at tila nakakalokong kumindat kindat pa sa akin.


Napangiwi ako ng muling pumasok sa sistema ko ang amoy ng sigarilyo. Eto talaga ang ayaw ko sa mga ganitong lugar,madalas natotolerate ko pa ang amoy ng alak pero ang amoy ng sigarilyo hindi ko talaga carry.

Wala naman sa plano ko ang pumunta sa bar ngayong gabi kaya lang kanina habang kumakain kami ni Aidan nakita kami ni Alison. To make the story short, matapos ko silang maipakilala sa isa't-isa ang walanghiyang bruhang ito nag-aya pa talagang pumuntang bar.


Ayaw ko nga sana kaya lang naisip ko si Ali baka kung sino na naman ang mahanap nitong kalandian. Pagdating naman namin dito sa bar nakita namin yung dalawang kaibigan ni Aidan kaya heto halos tumulo ang laway ni Ali kasi ang dami daw gwapo.


"Hey!. ,napaigtad ako ng magsalita si Aidan malapit mismo sa aking tenga. Pakiramdam ko nga lumapat mismo ang kanyang labi.

"O-oh! Bakit?. ,hindi ko talaga maintindihan kung bakit kapag nasa tabi ko itong lalaking ito,nanghihina ako. Lalo na kapag natititigan ko ang kanyang mga asul na mata. Nakakapangatog!


"Ang sungit mo talaga!. ,ngumisi siya."Know what? Habang ginagawa mo yan lalo lang akong nahuhumaling sa iyo!. ,naramdaman ko ang paghalik niya sa aking sintido.


Napasinghap ang dalawang kaibigan niya na nasa aming harapan. Kinurot naman ako ni Ali sa tagiliran.



Napayuko ako. Ang init init ng pakiramdam ng aking mukha. Dapat magalit ako kasi masyado siyang mapangahas pero hindi ko maramdaman yun. Eto na naman yung pakiramdam na parang may mga insektong nagbubunyi sa aking tiyan. Kinikilig ba ako?


CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now