chapter 45

1.7K 40 1
                                    

Magkahawak-kamay kaming bumalik ni Aidan sa loob. Napahinto kami ng makita naming lahat ng kasama namin ay nakatayo sa likod ni Mommy na kaharap naman ang walang iba kundi si Margaux. Galit na galit ang mukha ni Mommy pati na ang tatlong kapatid ni Daddy. Si Daddy naman panay ang alo kay Mommy.


Nahila ako ni Aidan nang bigla itong tumakbo.



"Mom!"napatingin sa amin sina Mommy.


"Oh,you're back! I thought you already left with your....."tiningnan ako ni Margaux ng may panunuri "new bitch!"sabay ngisi niya.


Napaigtad ako ng bigla akong bitawan ni Aidan. Nilapitan niya si Margaux at sinakal.



"Man,chill!!"



"Aidan,no!"



"Anak,no!!"



Sabay sabay na sigaw nina Mommy at ng kanyang mga pinsan. Lumapit ang isa sa kanyang mga pinsan. Marahas niyang inalis ang kamay ni Aidan sa leeg ni Margaux. Pabalyang napaupo sa sahig si Margaux na umuubo-ubo pa.



"Man,chill! Breathe,okay!"



Pilit na hinahawi ni Aidan ang kanyang pinsan.




"You don't fucking have the right to call her a bitch! Ha! Do you hear me? 'Cause if there's a bitch here I am fucking sure it is you! You are the bitch here!!"sigaw ni Aidan.



Nanlalaki naman ang mata ni Margaux na nakatitig kay Aidan. Hawak hawak pa niya ang kanyang leeg. Nakaupo pa rin siya sa sahig dahil walang tumutulong sa kanya upang makatayo. Nakikita ko na nga ang kanyang underwear dahil sa kanyang posisyon. Kahit ang mga waiter hindi makalapit sa kanya. Sinubukan niyang makatayo pero dahil sa taas ng takong ng stiletto na suot niya muli siyang napapaupo.


Napatingin ako sa mga pinsan ni Aidan nang marinig ko ang impit nilang hagikhikan. Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila patay malisya silang umiwas ng tingin. Sumipol pa yung isa. Napailing na lang ako ng wala pa ring tumulong sa kanya.


I sigh..... lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang makatayo. Kumunot ang noo ko ng matapos siyang tumayo tila nandidiring pinalis niya ang aking kamay.


Aba talaga naman! Malditang tunay....napaka....



"Don't touch me!!"masungit niyang sinabi.



Kita mo naman talaga! Itulak ko kaya ito.



"Thank you ha!"sarkastiko kong sagot sa kanya.



"Why would I thank you,b----"


"Subukan mo pang ituloy yang sasabihin mo,sisiguraduhin ko na ang sunod na paglapat ng katawan mo diyan sa sahig hinding-hindi ka na makakabangon na maayos pa ang kondisyon ng katawan mo."taas-kilay na humalukipkip ako sa kanyang harapan.



CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon