chapter 33

1.8K 47 1
                                    

Aidan keep on teasing me while I am cooking for lunch. Tumutulong naman siya kaya lang sadyang sinasamahan niya ng harot ang pagtulong niya.

"Alam mo baby wala akong makitang gulay na santol sa mga supermarket."

Kanina pa kasi niya sinasabi na miss na niya yung sinantol. Nung time daw na nandito siya sa Manila ni-request niya yun na ipaluto sa katulong ng mga magulang nila kaso nga lang wala naman daw mahanap na gulay na santol sa supermarket ang Mommy niya. Mommy daw niya kasi mismo ang namamalengke para sa bahay nila. Madalas nga daw eh idinadamay pa siya.

"Wala nga yata ng ganun sa supermarket. Sa mga public market lang meron nun. Bakit ba? Miss mo na ba talaga yun?"

"Opo nga!"ngumuso pa siya.

"May alam ka bang public market dito? Punta tayo at maghahanap tayo ng santol."

Lumapit siya sa aking likuran. Ipinulupot niya ang kanyang isang braso sa aking baywang.

"Ang bango naman niyan,baby. Huwag mo kayang masyadong sarapan."

Halos matawa ako sa sinabi niya.

"At bakit naman?"

"Mamaya kasi masarapan yung brat na yun eh di wala ng gagawin yun kundi bumalik ng bumalik dito."napaigtad ako ng halik-halikan niya ang aking balikat.

"Aidan,isa!"saway ko. Iginalaw-galaw ko pa ang balikat ko para lang tumigil siya.

"Isa pa,baby?"naramdaman ko na lang ang muling paglapat ng labi niya sa aking balikat.

Susme talaga! Ang pagkaharot.

"Can't help it. Ang bango bango mo kasi. At saka namiss kita eh!"

Nangatwiran pa. Lulusot pa talaga. Pinatay ko ang stove at saka siya hinarap. Humalukipkip pa ako.

Nanlalaki naman ang mata niyang tumingin sa aking dibdib.

"Aidan,talaga! Dukutin ko yang mga mata mo!"tinampal ko ang kanyang noo.

"Baby naman! "Tatawa-tawa niyang hinipo ang kanyang noo.

"'Tsaka ikaw ha,bakit ba ang sungit mo kay Charlotte? Hindi ka naman inaano nung bata,ikaw talaga! Baka naman mamaya kapag dumating yun dito kung anu-ano na naman sabihin mo doon."

CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now