chapter 12

1.9K 43 1
                                    


Hindi ko malaman kung paano babati sa mga kapitbahay namin nang makababa ako sa sasakyan ni Aidan. Pinagbuksan pa ako ni Aidan ng pinto sabi ko naman sa kanya sabay na lang kaming bumaba,ayun tuloy nakita nila ang pag-alalay sa akin nitong poging ito.

Nararamdaman ko ang kuryusong tingin ng mga kapitbahay ko. Tatawid pa kasi kami sa kabilang panig ng kalsada at hawak hawak ni Aidan ang aking kamay. Ang init init talaga ng aking mukha. Lalo pa at bago kami tumawid alam kong nakita na ako ni Nanay at ng mga kapatid ko.


Kagat kagat ko ang aking labi at alanganin ang aking ngiti habang papalapit kami kina Nanay. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ni Aidan,pinisil ko ito.

Tumingin ako sa kanya. Panay ang punas niya ng kanyang pawis kahit na hindi pa naman ganun kainit.

"Nay,good morning po!". Nagmano ako sa kanya. Binitiwan ni Aidan ang aking kamay at nagmano rin kay Nanay.

"Good morning po!".

Kita ko ang pagngiti ni Nanay.

"Aba'y uuwi ka pala hindi ka man lang nagpasabing bata ka,sana'y naipagluto kita ng paborito mo."hinawakan ni Nanay ang aking kabilang kamay. Hawak na naman kasi ni Aidan yung kabila.

"Hayaan niyo na po. Nag-alala lang naman po kasi nung sabihin ni Clyde na may sakit kayo kaya sumaglit po ako." Tumingin ako sa dalawa kong kapatid. Napangiti ako ng sa halip na sa akin nakatingin eh kay Aidan sila tumititig. Ang bunso naming si Cali nakahalukipkip pa samantalang si Clyde poker face pa."Psst! Mga pangit,hindi niyo man lang yayakapin si Ate?"tawag ko sa kanila.

"Sino siya,Ate ganda? Hanep ang kapit sa iyo ah parang mawawala!"tila may tonong pang-aasar na tanong ni Cali. Siniko siya ni Clyde. Napangiwi na lang siya.

"Cali ha,ikaw talagang bata ka!"saway naman ni Nanay.

Bumuntong hininga ako at marahang inakay si Aidan papasok sa maliit na pwesto ng kainan ni Nanay.

"Nanay,Clyde,Cali..........si Aidan po boyfriend ko."pinisil ko ang kamay ni Aidan."

Binitiwan ni Aidan ang aking kamay. Lumapit siya kay Nanay at muling nagmano dito.

"Aidan Bretner po,Nanay. Kumusta po kayo?"nakayuko siya kay Nanay dahil nga sa matangkad siya.

"Ayos naman iho! Aba'y kagwapo naman nitong nobyo mo iha. Kaganda ng mata oh asul na asul.". Hinaplos pa niya ang pisngi ni Aidan.

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon