chapter 13

1.9K 43 2
                                    

Abala ako sa paghihiwa ng mga gulay na sangkap sa nilagang baka na iluluto ni Nanay ng tabihan niya ako.


"Nay,okay na po ba talaga kayo?"tanong ko.


"Oo naman anak. Simpleng lagnat lang yun ano ka ba?"ikinumpas kumpas pa niya ang kanyang mga kamay"Anak,huwag mo na akong masyadong alalahanin andiyan ang mga kapatid mo,hindi nila ako pinababayaan".


"Eh kasi Nay......alam niyo namang malayo ako sa inyo di ba? Kung hindi pa siguro sinabi sa akin ni Clyde hindi ko pa malalaman."may tampong sinabi ko.

"Asus! Ay pinagalitan ko nga yang kapatid mong yan,maayos na naman ako kung bakit sinabi pa sa iyo nag-alala ka pa tuloy. Kung sabagay sa isang banda ayos na rin siguro kasi umuwi ka at nakilala namin ang nobyo mo."may himig panunudyo niyang sinabi.


Napangiti ako.


"Nay,pasensiya na kung nabigla ko kayo ha! Nakakabigla rin po kasi ang pagdating ng lalaking yan sa buhay ko. Nawindang ang kagandahan ko,Nay."tapat kong sinabi sa kanya.


Napatawa naman ang Nanay ko. Ganito kasi kami talaga ka-close ni Nanay. Nasasabi ko sa kanya lahat kahit na nga yung mga naging crush ko nung highschool ako alam niya. Si Nanay ay hindi lang nagsilbing Nanay ko siya rin ang best friend ko na napagsasabihan ko ng lahat ng pangyayari sa buhay ko masaya man yan o hindi.


"Sa gwapo ba naman nun,hindi ka mawindang. Ang ganda ng mata anak,sigurado ako yun ang dahilan kaya mo siya napansin ano!?"tukso niya sa akin.

Nag-iinit ang mukhang iniabot ko kay Nanay ang mga gulay na tapos ko ng hiwain.

"Para ka ng kamatis,anak. Grabeng pamumula mo oh!"


"Nanay!"


"Bakit? Ikaw na bata ka sa akin ka pa nahiya."



CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon