chapter 4

2.6K 73 1
                                    

"Mam Clau,mauna na po kami!. ,tumango ako kay Ashley isa sa kasama kong cashier.

"Ingat kayo,diretso uwi na ha!. ,bilin ko sa kanila. Ang alam ko kasi silang tatlong cashier dito ay magkakasama sa iisang apartment.

"Yes,Mam. ,kayo rin po ingat din po sa pag-uwi. ,


"Salamat!. ,uuwi na rin ako pagkatapos nito. ,tinatapos ko pa kasi ang report ng inventory baka kasi sa mga susunod na araw ay pumunta dito ang aming regional manager.



"Goodnight, Mam Claudia!. ,ingat po kayo sa pag-uwi. ,

"Goodnight din po,Mang Arnel!. ,salamat po! Kayo din po ha,ingat sa pagbabantay dito. ,sagot ko kay Mang Arnel,siya ang aming panggabing security guard dito.

Tatawid na sana ako patungo sa sakayan ng tricycle ng may magsalita sa aking likod.


"Bakit ang tagal mo lumabas? Kanina pa ang mga kasama mo ah!. ,madiin niyang sinabi.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat.

"Huwag ka ngang manggugulat! At saka anong ginagawa mo dito?. ,inis kong tanong. Nagpatuloy na lang ako sa pagtawid.


Naramdaman ko ang pagsunod niya. Nilingon ko siya.


"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?. ,pinameywangan ko siya.

Luminga-linga siya para bang sinisiguro na siya ang kausap ko.


"Bahala ka nga sa buhay mo!. ,


"Ang sungit mo!. ,

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at inisip ko na lang na wala siya.



"You owe me!. ,maya-maya ay sinabi niya.



Napatigil ako.


"Iniligtas kaya kita dun sa manyak. ,nakangisi na siya ngayon.



"Ganun? Nagpasalamat naman ako sa iyo ah!. ,sagot ko.



"Tsss! It's not enough! Have dinner with me!. ,



Tinaasan ko siya ng kilay.



"Ayoko! Nag-thank you na ako sa iyo,sapat na yun. ,katwiran ko. Nakakapanginig talaga ng laman itong lalaking ito.



Sa gulat ko ay hindi na ako nakahuma ng hawakan niya ang aking kamay at kaladkarin ako papunta sa kabilang panig ng kalsada.




"Hoy! Bitiwan mo nga ako,saan mo ba ako dadalhin?. ,impit kong sigaw sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa aking palapulsuhan.



"Tsss! Kakain lang tayo,huwag ka ngang pumalag diyan kapag hindi ka tumigil hahalikan kita dito mismo. ,huminto siya saglit at humarap sa akin. Seryoso niya akong tinitigan.



Napalunok ako sa kaseryosohan ng kanyang mukha. Nakakatakot!



Pumasok kami sa isang sikat na bulalohan dito sa Daet. Madalas kami  dito ni Ali lalo na kapag sweldo. Iginiya niya ako sa sulok na mesa.




"Are you familiar with their foods here?. ,tanong niya sa akin.


"Oo naman,bakit? Ngayon ka lang ba kakain dito?. ,



"Kind of!. ,napakamot pa siya sa kanyang batok.



Kinagat ko ang aking labi.


Tinulungan ko siya sa pag-order ng pagkain.

Habang naghihintay ng aming pagkain kinuha ko ang aking cellphone para maitxt si Ali na mali-late ako sa pag-uwi.


"Aidan. ,napaangat ako ng tingin ng magsalita siya.


I give him a questioning look.


He let out a sigh. ,



"My name's Aidan......Aidan Bretner. ,

Tumango tango ako. In fairness kahit pangalan niya ang gwapo pakinggan.


Inilahad ko ang aking palad sa kanya.


"I'm Cla-----



"I know your name. ,no need to tell me. ,seryoso niyang sabi.

Hindi ko mapigilang taasan siya ng kilay. Panira ng moment,ibinaba ko ang aking kamay pero bago ko pa ito mailagay sa aking gilid hinawakan niya ito at agad na dinala sa kanyang labi.




"I know it!. . . ,napakislot ako sa kuryenteng nanulay mula sa kanyang labi na tila tumawid patungo sa bawat himaymay ng aking katawan.





"You're MINE!!!!. ,pahabol pa niya in his husky voice.



Shit talaga!

CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now