chapter 6

2.6K 47 0
                                    

Hindi ako mapakali sa higaan. Napailing na lang ako ng makita ko kung anong oras na.


My God! Alas-dos na ng madaling araw pero hindi ko pa magawang makatulog. Ibinaon ko ang aking mukha sa unan at impit na sumigaw.


Tumihaya ako at tumitig sa kisame. Wala sa loob na napahawak ako sa aking labi.


Napapikit ako. Nararamdaman ko pa ang pakiramdam ng paghalik niya sa akin. Bakit ba hindi ko makalimutan yun?



I know it's my first kiss but for Christ sake talaga bang ganito kahirap kalimutan ang first kiss?



Susme naman! Twenty six na ako pero pakiramdam ko para akong teenager na hindi makalimutan ang bagay na yun.



Tumagilid ako ng higa.



Was it because masyadong gwapo ang first kiss ko?at napakagaling niyang humalik. Sa isiping yun ay nag-init ang aking mukha.



Kahit wala akong mapagkumparahan sa kanya kasi nga siya ang una hindi ko maiwasang isipin ang husay niya sa bagay na yun. Sabagay sa gwapo niyang yun hindi malayong marami ng babae ang dumaan sa kamay niya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso.



Ipinilig ko ang aking ulo.



No! Hindi ko na dapat siya iniisip ng ganito. Marahil para sa kanya wala lang ang halik na yun pero ako heto parang timang na hindi pa makatulog.



It's pretty obvious na lapitin siya ng babae and I'm too plain para mapansin niya. Maybe he's just bored. Right! He's just bored at wala lang yung nangyari kani-kanina lang.




Muli akong nakaramdam ng kirot sa puso but I just shrugged it. Kailangan kong itatak sa isip ko na Manileño siya at hilig nila ang maglaro.




"Good morning,girl!. ,otomatik ang pagtaas ng kilay ko ng makita kong nakahanda na ang breakfast.



Agad ang pagtaas ng kamay ni Ali na naka-peace sign. Lumapit siya sa akin na may nahihiyang ngiti.



"Girl,sorry na kagabi ha? May ginawa ba ako? Kung meron man pasensiya na ha,alam mo naman ako kapag nakakainom minsan may sanib. ,hinihimas pa niya ang aking braso.




"Palagi naman! Bakit ba kasi nagpakalango ka na naman? Inaawat na kita sige ka pa rin ng sige. ,



Napakamot siya sa kanyang leeg.




"Iiih! Pasensiya na talaga,girl! Nasira ko pa yata ang date night niyo ni Aidan pogi. ,nanunukso niyang sinabi.


"D-date ka diyan! Ewan ko sa iyo. ,umupo ako at sinimulan ang pagkain. Tumabi naman siya sa akin.




CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon