chapter 32

1.9K 34 0
                                    

Nagising ako ng maaga kinabukasan. I smiled when I remember what happened last night. After our talk last night he accompanied me to his room. Sabi niya hihintayin niya akong makatulog saka siya lilipat sa kabilang kwarto upang doon matulog. Kahit nakakahiya nakaya ko pa ring magtanong sa kanya kung bakit eh kwarto niya naman ito. I even told him na ako na lang sa kabila but he insisted na mas gusto niyang dito ako sa room niya.

"Believe me all I want right now is to sleep beside you and I promise you we'll just sleep but I made a promise to someone and I intend to keep it."sabi niya kagabi. Bago ko pa man matanong kung sino ang someone na yun I saw him calling someone on his phone and before I could ask again I already heard my Nanay's voice on the phone.

Tinaliman ko pa nga siya ng tingin ng marinig ko ang boses ng dalawa kong kapatid na sumisigaw na "congrats kuya success ang plan B,pakipot pa kasi si ate!". Nakakahiya,feeling ko talaga ipinamimigay na ako ng pamilya ko.

But what my mother said make me cry.

"Anak,nakikita ko na mahal na mahal ka ng batang yan. Alam ko na kailangan pa nating magkausap ng maayos pero sa ngayon gusto kong malaman mo na maayos kami,maayos ang lahat. Bago pa siya humingi ng tawad sa iyo,nauna na siyang pumunta dito at naiintindihan namin siya kaya nga alam na alam ng mga kapatid mo ang mga plano niya at suportado kami doon anak. Hangad ko ang kaligayahan ng nag-iisa kong prinsesa. Alam kong kahit ang ama mo masaya sa iyo ngayon,anak."

Umiyak talaga ako ng bongga kagabi and Aidan didn't say anything. Yakap yakap lang niya ako habang panaka-nakang hinahagkan ang buhok ko. Hindi ko na alam kung anong nangyari kagabi but I guess nakatulog ako habang yakap niya.

Inayos ko muna ang kama bago kumuha ng damit at pumasok ng banyo. Hindi ko alam kung gising na si Aidan pero nakakahiya naman kung mauuna pa siyang magising sa akin. I need to cook our breakfast.

Napa-wow pa rin ako ng makapasok sa kanyang kusina. Nakita ko na ito kahapon pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Itong-ito talaga yung dream kong kusina. Punung-puno ng stocks ang kanyang ref. At bawat herbs and spices na napapanood ko lang sa mga cooking show na hindi ko matagpuan sa public market sa probinsiya eh halos nandito lahat. Feeling ko pang-isang taon ang stocks niya dito.

Abala ako sa paghahalo ng sinangag ng may mga brasong pumalibot sa aking baywang. Napapikit pa ako ng maamoy ko ang kanyang mabangong   amoy.

"Good morning,baby! Ang aga mo namang nagising."I bit my lower lip when he kiss my neck.

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon