chapter 35

1.8K 40 0
                                    

"I'd really love to meet your mother,iha."

Nahihiya akong lumingon sa mommy ni Aidan. Nakatayo siya malapit sa ref. Sina Charlotte at ang kanyang mga magulang ay nasa sala. Matapos kasi naming kumain ako na ang nagprisintang maghugas ng aming pinagkainan. Si Aidan naman at ang kanyang ama ay nanatili lamang sa dining table.

"Mom,you're making her uncomfortable."saway ni Aidan.

Agad na lumingon ang mommy niya sa kanya.

"Heh! Lumabas ka nga dun o kaya matulog ka. Para sinasabi ko lang na gusto kong makilala ang mother niya."tila isang batang pinapagalitan niya si Aidan.

I bit my lips when I heard his father chuckled.

"Let's go,anak. Hayaan mo na ang mommy mo. Wala yang gagawing masama kay Claudia malamang sa iyo meron kapag hindi ka tumigil ng kakokontra sa kanya."sabi ng daddy niya.

"But,Dad---

"No more buts,let's just go. Meron din akong kailangang sabihin sa iyo tungkol sa kompanya. Let's go to your office."

Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Call me,baby if you need anything-----

Napaigtad ako ng hampasin ng mommy niya si Aidan ng sandok.

"Anong ibig mong sabihin? Ikaw na bata ka kung makabilin ka akala mo naman kung anong gagawin ko diyan sa future manugang ko!"pinukpok pa muli niya ng dalawang beses sa likod si Aidan.

Hindi ko na napigilang mapatawa ng marinig ko ang halakhak ng daddy ni Aidan.

"Aray naman,My! Ano bang masama sa sinabi ko?"hinarap niya ang mommy niya pero ang kamay niya nanatili sa aking baywang.

"Heh! Umalis na nga kayong mag-ama! Bitiwan mo na yang baywang ni Claudia,lumayas ka na diyan kundi sasandukin ko na yang pinakaiingatan mo!"naniningkit ang mata niyang banta kay Aidan.

CLOSER(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt