chapter 23

1.7K 37 0
                                    

Tahimik akong umupo sa harap ni Ali. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magtanong sa kanya kung bakit narito yung dalawa.

"Kain ka uli. Alam ko kumain ka na pero baka gusto mo akong sabayan."maingat at marahan niyang tanong.

Umiling ako at muling tinapunan ng tingin ang dalawang prenteng nakaupo sa sala. Inalok na sila ni Ali kaninang kumain pero tumanggi sila. Tapos na raw silang kumain.

Sinundan ni Ali ng tingin ang tinitingnan ko.

Bumuntong hininga siya at sumimangot.

"Hayaan mo nga yang dalawang yan! Mai-stress ka lang."

"Ano bang ginagawa nila dito? Kanina pa ba yan?"

"Oo nga! Kadarating ko lang kanina nang dumating yang mga yan. Akala ko nga ikaw na yung kumakatok. Pagdating nila kanina ikaw agad ang hinanap. Sabi ko wala ka,aba naman sino ba sila para hanapin ka! Kanina ko pa pinapaalis yan pero ayaw nila kaya hinayaan ko na lang. Makakapal ang mga fes nila eh!"yamot na yamot na sinabi ni Ali.

Tila naman narinig ng dalawa ang pinagsasabi ni Ali. Eksaherado silang tumikhim.

Ali just rolled her eyes.

Tumayo ako at umambang papasok sa kwarto.

"Pasensiya na,Ali pero maiwan ko muna ang pagkain mo ha! Magbibihis lang ako,kanina pa kasi ako pinagpawisan sa mga ginawa namin ni Thomas."

Sabay pa kaming napalingon ni Ali nang halos sabay na magmura ang dalawa. Napaatras ako ng halos sabay din silang papunta sa akin.

"Anong sinabi mo? Pinagpawisan ka sa mga ginawa niyo? Saan pa ba kayo nakarating?"tiningnan ni Chester si Alex. "Sabi ko naman kasi sa iyo,sundan natin sila,tingnan mo tuloy!"galit niyang sinabi.

Kumunot ang aking noo. Humagalpak naman ng tawa si Ali.

Masama naman ang tingin sa kanya nung dalawa.

"Oh,bakit ganyan kayo makatingin? Eh sa nakakatawa naman talaga ang pinagsasasabi niyo? Ang sama ng tumatakbo diyan sa mga marurumi niyong utak. Palibhasa gawain niyo kasi!"natatawa pang sinabi ni Ali.

CLOSER(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora