chapter 7

2.4K 52 0
                                    

"Hey!. ,napatalon ako sa gulat at agad na lumingon sa aking likuran.

Napahawak ako sa aking dibdib,sa tapat ng aking puso dahil sa biglang pag-abnormal ng tibok nito.

Paano ba namang hindi magiging abnormal ang tibok nito?


Nasilayan ko lang naman kasi si Aidan na nakangiti ng wagas kung kaya ang gwapo gwapo niya talaga ngayon sa aking paningin.

Ay talaga naman! Masama na talaga ito!

"Bakit ka ba laging nanggugulat? At saka bakit ba bigla bigla ka na lang sumusulpot kung saan saan?. ,masungit kong sinabi sa kanya. Mabuti nga hindi ako nautal sa kabila ng sobrang kabang nararamdaman ko ngayon.


"Tsss! Ang sungit sungit mo talaga,baby. ,ihahatid lang naman kita huwag mo na akong pagsungitan. ,nakangiti pa rin niyang sinabi.


"Ewan ko sa iyo! Alam ko naman kung saan ang lugar ng trabaho ko kaya hindi mo na ako kailangang ihatid. ,agad akong tumalikod sa kanya upang pumunta sa terminal ng tricycle.

Napahinto ako ng hawakan niya ako sa siko.

"Baby naman,ihahatid na nga kita huwag ka ng sumakay diyan sa masikip na tricycle na yan. Ang sexy sexy mo pa naman sa suot mo. ,hinagod niya ako ng tingin.


Red bandage dress na pinatungan ko ng white bolero ang aking suot. Hindi umabot sa aking tuhod ang haba nito kung kaya litaw ang aking mahaba at maputing legs. Hindi naman ako nagyayabang maputi kasi talaga ako. At inalagaan naman ako ni Nanay nung bata pa ako kung kaya kahit na mahirap lang kami hindi naman ako mukhang anak mahirap talaga.

"Ay naku! Ang aga aga huwag mo nga akong bolahin,Aidan. ,masungit ko pa ring sinabi sa kanya. Pilit kong tinatakpan ang kakaiba kong pakiramdam. Ewan ko ba! Masaya lang kasi ako na tingin niya maganda at sexy ako ngayon.

"Ang sungit mo baby! Ihahatid kita at hindi kita binigyan ng choice na tumanggi. ,pero sige para naman hindi unfair sa iyo bibigyan kita ngayon ng choice. ,

Kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Ano---


"Oh,magsusungit ka na naman! Sige papayag akong sumakay ka diyan sa masikip na sasakyan na yan sa isang kondisyon. ,iginalaw galaw pa niya ang kanyang mga kilay habang naglalaro ang isang mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi.


CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now