CHAPTER XXXXXI

1.5K 111 30
                                    

"Anak.. umuwi ka na kaya muna? Kami na ng daddy mo ang mag iintay sa resulta ng operasyon ni Morgan", ani mommy na nag aalala na sa akin.

"Anak.. sige na, kahit mag kape ka nalang muna para man lang mahimasmasan ka na. Tapos king napapagod ka na, umuwi ka na muna. Kami ng bahala dito", dagdag ni daddy na inakbayan at pinapikalma ako.

Tumango lang ako. I felt drained and defeated but never tired. Never tired of waiting for Morgan to finally come back to me.

Sinunod ko nalang muna ang mga magulang ko. Iniwan ko na muna sila at nagpunta ako sa cafeteria para mag kape.

"Ay sir Ed, andito po pala kayo", bati sa akin ng mga staff sa cafeteria.

"Kumusta na po pala si Miss Morgan?"

"Lumalaban padin po..", mahina kong pagkakasagot habang nakatitig sa kape ko.

"Alam niyo po, di man po namin alam kung ano ang pinagdaan niyo ni Miss Morgan, alam ko pong mahal na mahal niyo ang isat isa"

"Ho?"

Nabigla ako sa pagkakasabi ng isa kong staff.

"Kasi po dati rati nakikita namin si Miss Morgan na sinusundan kayo ng tingin. Yung klaseng tingin na may pag aalala. Tapos bigla nalang naming nalaman na nagdonate pala siya ng kidney niya sa inyo. Ibang klaseng pagmamahal yun sir. Yung tipong walang kapalit na hinihingi. Yung kahit di niyo na malaman kung san galing yung nagdugtong sa buhay niyo.."

Nangilid na naman ang luha ko. Ganun nga siguro ako kamahal ni Morgan. Kahit wala nang kapalit.

"Sige po babalik na po muna ako dun. Baka may balita na sa kanya"

"Basta wag niyo pong kalimutan sir, sa oras na magising si Miss Morgan sabihin niyo na agad sa kanya na mahal na mahal niyo siya"

"Gagawin ko po talaga yun.. sige po"

Pabalik na sana ako sa may operating room ng biglang marinig ko ang malakas na audio sa paging system ng ospital.

"Code blue OR 1! Code blue!!"

Code blue? Ibig sabihin may nererevive sila. Si Morgan. Shit!

Dali dali akong nagtungo sa may OR. Di ko na inalintana kung may nakaharang ba sa daan ko. Iniwan ko na ang kape ko. Wala akong paki kung may mabunggo ako. Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Morgan! Hintayin mo ako!

Nang makarating ako sa labasan ng OR ay di ko nakita ang parents ko.

Lalo pa akong nabaliw sa kaba. Wala man lang makakapagsabi sa akin kung ano na ang nangyayari sa loob.

Hanggang sa may lumabas sa may pintuan.

Dalawang ward man na nagtutulak ng stretcher na may nakabalot na bangkay sa ilalim.

Tinulak nila ito ng dahan dahan at napadaan sila sa aking harapan.

Nanglumo ako. Nanghina ang buo kong katawan. Umiyak ako ng umiyak. Nabaliw yata ako ng makita ko ang napadaang patay.

"Morgan!!! Bakit??? Bakit mo ako iniwan?? Morgan parang awa mo na!! Please!!!"

Di magkamayaw ang pagsisisigaw ko sa hall way. Halos hatakin ko na ang patay sa stretcher at niyakap ko ito ng mahigpit.

"Sir.."

Hindi alam ng dalawang ward man ang gagawin nila. Siguro naawa nalang sila at pinabayaan akong maglabas ng sama ng loob.

"Di ko man lang nasabi sayo kung gaano ako nasasabik sa pagbabalik mo. Tapos ngayon iiwanan mo na naman ako? Bakit Morgan??? Bakit?? Please!!! Bumalik ka na sa akin please!!!! Gumising ka Morgan!!"

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now