CHAPTER XVII

1.3K 105 20
                                    

"Morgan?"

Madaling araw na yata nang maalimpungatan ako sa malumanay na tawag sa akin ni Ed.

Nagyayakapan pa rin kami sa ilalim nang iisang kumot. Magkaharap yata kami at isang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha namin. Nakapikit pa rin ako. Ayokong mapatitig sa mga mata niya.

"Ba..bakit? May masakit ba sayo Ed?"

"Wala naman.."

"Hmm.. bakit ba?, natatakot ka ba? Di ka ba makahinga?"

"Hindi naman.."

"Eh..ano bang kailangan mo?"

"Open your eyes Morgan, please.."

Kinabahan na naman ulet ako. Nakayakap parin sa akin si Ed, nakayakap rin ako sa kanya. Unti- unti kong tinaas ang ulo ko saka inimulat ang mga mata ko sa kanya.

"You're so beautiful Morgan.."

Napalunok ako. Wala akong nasabi. Nabubulunan yata ako sa mga titig at pagkakasabi niya nun sa akin.

"Ang ganda mo talaga, hindi ako nakatulog sa kakaisip kung hahalikan ba kita o hindi Morgan"

Mas inilapit pa niya ang kanyang mukha sa akin. Nanlalamig ako. Para bang nawalan ng malay ang buo kong katawan maliban sa dumadagumbol kong puso.

"Morgan?"

"Ha?! Ba..bakit?!"

"Pwede bang.."

"Pwede bang..ano?!"

"Pwede ba kitang.."

"Ano..yun Ed?!"

At humulyaw ang alarm ko.

Ang paking tape kong alarm clock! Madapakah!! Muntik na ako doon ha!! Whew!!

Pagkagising ko'y nakayakap pa rin sa akin si Ed. Nakayakap siyang parang isang napakagwapong bata. My bata.

Five thirty pa pala. Tinitigan ko lang siyang mahimbing ang tulog at mahigpit na nakayakap sa akin.

Hindi na ako pumiglas. Hindi naman siya nananakit eh. Ang sweet nga niyang tignan. I don't feel violated at all.

Buti nalang panaginip lang yun, baka pag natuloy yun sasabog na siguro tong puso ko.

Hayyyyy....

Ano ba kasing pinasok ko??

*****

(Ed's POV)

I woke up at exactly six thirty. When I saw Morgan sleeping beside me never minding how I hugged her, biglang sumaya ulet ang pakiramdam ko.

Tinitigan ko lang siya. Mula paa hanggang ulo, but in a non-malicious way. Hindi ko inakalang kaya niya pala talaga akong alagaan nang ganito. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito.

Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya. Ipinatong ko ulet ang ulo niya sa dibdib ko. Wala siyang imik. Hinayaan niya lang ako. Siguro nga siya ang kinakalong ko, pero I was the one feeling safe with her beside me.

I was scanning her pretty face. It was so peaceful. And I admit, she's really cute too. Hanggang sa doon na ako nakafocus sa mga labi niya.

Ewan ko ba, pero nang matignan ko ang pula niyang mga labi ay bigla akong kinabahan. Bigla ko nalang siyang mas ginusto.

Sa pagkakataong iyon, gusto ko talaga siyang halikan. Gustong gusto ko.

"Morgan?", bulong ko sa kanya.

"Hmmm?"

Nakapikit pa rin ang mga mata niya na parang inaalimpungatan.

"Morgan?", binulong ko ulet.

"Hmmm?"

"Gusto na kita.."

Gusto kong bawiin yun kasi ayokong marinig niya. Pero nang mapansin kong wala siyang imik ay nabunutan na ako nang tinik.

Napabuntong hininga ako. Akala ko'y mabubuking na ako ni Morgan. Pero may gusto pa akong gawin bago ako tuluyang bumakod at magsimula nang bagong araw.

"Morgan?"

Wala siyang imik sa akin.

"Patawarin mo ako sa gagawin ko", bulong ko sa kanya.

Sa pagkakataong iyon, ay di ko na napigilan ang sarili ko. Dahan-dahan ko siyang hinalikan sa labi. Paunti-unti, I was planting soft kisses. And to my surprise, it felt good. It felt like I was alive again.

It felt like,

I'm in loved again..

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now