CHAPTER XX

1.1K 81 25
                                    

"Morgan?"

"Oh Ed, bakit? May kailangan ka ba?"

"Bakit mo ba sinabi kay Mama kaninang andito si Cindy?", nakakunot noong tanong ni Ed sa akin.

Paktay na.

"Ah, kasi naitanong niya kung bakit nasa labas ako kanina. Nasabi kong may bisita ka sa loob"

"At sinabi mo talagang si Cindy? Did you even know we had a fight dahil sa pagka sumbongera mo??"

"Wait lang, bakit parang kasalanan ko pa Ed? Ano bang naging kasalanan ko sa nangyari?", napahulyaw ako sa tangkang paninisi niya sa akin

"Nangingialam ka kasi Morgan. You could've just said na hindi mo alam kung sino ang bisita ko!", sumigaw narin siya sa galit.

Di ko alam kung bakit pero tinutupak na naman yata tong tukmol na to. Sinaniban yata ng espirito ni senyorita Cindy.

"You and your big mouth Morgan! So tactless!"

"Hala siya, grabe ka naman Ed! So kasalanan ko pa talaga? Kasalanan ko bang nagdala ka ng ibang babae diyan sa kwarto mo? At nahuli ka ng mama mo?"

"Sumasagot ka pa Morgan! How dare you!"

"No! How dare you Ed! Nurse mo ako! Hindi mo ako alipin dito na tatamak tamakan mo lang! How dare you!"

Mangiyak ngiyak ako sa sagut ko. Napagtaasan ko siya nang boses. Bigla akong napagod sa role ko dito sa bahay at buhay niya.

Kinapos ako saglit sa aking paghinga dahil sa sama ng loob.

Wala munang nagsalita sa amin. Nakatayo lang kami, kaharap ang isa't isa. Hanggang sa yumoko na ako.

"I'm sorry sir, I was out of line. C-can I just go home now?", mahinahon kong tinanong sa kanya.

"At bakit ka uuwi??", may konting alon sa tinig niya.

"Please sir, pwede bang umuwi muna ako? Kahit ngayon lang?", nakayoko pa rin ako. Tumulo na yata luha pati sipon ko.

"No. I cant allow you to go home. Stay."

Sabay talikod niya sa akin. Naiwan akong nakatayo roon at di mapigilang maiyak dahil sa pagod at sama ng loob ko sa kanya.

*****

Dinner time.

Tahimik ang boung bahay. Tahimik rin kaming nagsalo-salo sa iisang malaking mesa. Ayoko sanang sumabay pero kinulit ako nina yaya na binilin daw ni Ed na sumalo ako sa kanila.

Awkward ang buong settings.

"Aren't you sorry Morgan?"

Biglang basag ni Cindy sa katahimikan naming lahat.

"Po?"

"Aren't you sorry sa ginawa mo kanina? Ganun nalang yun? Di ka hihingi nang dispensa sa akin?"

"Wala naman po yata akong ginawang masama maam", tumigil na ako sa pagsubo.

Tumayo si Cindy. Lumapit sa akin.

Tinignan lang kami ni Ed.

"Sa first day ko palang dito disaster na agad ang timambad mo sa akin. And you're saying you're not sorry?"

Tumabi siya sa akin. Di ako kumibo. Gusto ko nang umalis sa kinauupoan ko pero binigyang galang ko ang hapag kainan.

"How dare you do that to me Morgan"

"Okay ma'am, I'm sorry po. Kung meron man akong naging kasalanan sa inyo, I'm sorry po"

"Hypocrite. Malas naman ni Ed sa nurse niya, ill mannered"

Tumayo siya ulet, bumalik sa upuan niya at nagpatuloy sina Ed sa pagkain at pag uusap nila.

Ewan ko pero napahiya talaga ako dun. Gusto kong manuntok pero hinayaan ko nalang. Nakatingin kasi si Ed, ayoko na ring mastress siya sa akin, sa amin.

Tumayo na ako at iniwan ang mesa.

Itutulog ko nalang ito, mawawala na rin siguro to bukas.

Sana nga.

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now