CHAPTER XXIV

1K 76 31
                                    

"Morgan!!"

Three am.
Bigla akong nagising sa malakas na tawag sa akin ni Cindy.

"Morgan!! Halika dito!! Si Ed!!"

Nang ma mention niya ang pangalan ni Ed ay walang pag aalinlangan kong tinakbo mula sa kwarto ko hanggang sa kwarto ni Ed.

Hiningal ako pagkapasok ko sa kwarto niya.

Andun lang si Ed, walang malay. Namumutla.

"Anong nangyari Cindy?!", kinalong ko si Ed, sobrang init ng buong katawan niya.

"I-I don't know.. pag gising ko nag aapoy na siya sa init, do something Morgan!!"

Histirikal si Cindy.

But wait, dito siya natulog?

"Kalma okay? May mataas siyang lagnat kumuha ka nang bimpo basain mo ng tubig saka bigay mo sa akin! Bilis!"

"O-okay!"

"Ed? Ed? Naririnig mo ba ako? Si Morgan to. Huhubarin ko ang shirt mo ha. Palamig tayo"

I was trying to be calm with the whole situation, pero deep inside nanginginig ako sa pag aalala sa kanya. Hinubad ko na muna ang shirt niya para makapag cool down ang katawan niya. Wala pa rin siyang malay.

Something is really wrong.

Maraming pwedeng dahilan kung bakit nangyari to ngayon sa kanya.

"Cindy!! Ang towel!!"

"Here!"

Nag sponge bath ako. Lahat ng parte nang katawan ni Ed pinunasan ko ng paulet ulet.

Ginawa ko yung sa loob ng fifteen minutes. Walang mintis. Hanggang sa unti-unting bumaba na ang kanyang lagnat.

Nag inject na rin ako ng paracetamol sa line na ginawa ko, nagswero na ako in case of emergency.

*****

Five am.

Di na bumalik ang lagnat ni Ed. Andun lang ako sa tabi niya. Samantalang si Cindy na kalmado na yata ay bumalik na sa pagkamaldita niya.

"Go downstairs na Morgan, kaya ko na dito"

"No. Dito lang ako. Pagkagising ni Ed dadalhin ko agad siya sa ospital"

"Ang sabi ko ako na dito"

"Why don't you go down Cindy? Please? Wag ka munang makipagtalo"

I was surprise na di niya ako pinatulan dun sa sinabi ko. Tinitigan niya lang ako. Sumunod naman siya at umalis sa kwarto ni Ed.

"Ed? Okay na ba ang pakiramdam mo?", bulong ko sa kanya.

"Hmm.."

"Pagkagising mo dadalhin kita sa ospital ha"

"Nasaan si Cindy?", bigkas ni Ed habang unti-unti niyang binubukas ang kanyang mga mata.

"Ha?"

"Si Cindy."

"B-bakit?"

"Morgan, pwede ba, papuntahin mo si Cindy dito. Gusto ko andito si Cindy"

"O-okay, sige"

Dali-dali namang bumalik si Cindy sa kwarto ni Ed pagkatapos ko siyang tawagin.

"So ano? Ako ang kailangan niya diba? Umalis ka na, tatawagin na lamang ulit kita pag kinailangan ka na niya ulet"

Di ko alam pero bahagya akong nasaktan sa nangyari. Bakit ganun? Kahapon lang ay nasabi ni Ed na gusto niya ako, tapos ngayon?

Nililito ba ako ng aking nararamdaman para kay Ed? O sadyang ganun lang talaga kalakas ang pang tritrip niya sa akin?

Wait..

Nagkakagusto na rin ba ako sa kanya?

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora