CHAPTER XXII

1.1K 96 74
                                    

"Can you explain saan ka galing Morgan?"

Bati sa akin nang naka kunot noong si Ed pagdating ko sa bahay niya nung kinagabihan.

"Eh halos nga mapudpod tong paa ko sa kakahanap sa inyo eh. Kayo ang saan nanggaling??", pumuputok na ang botse ko sa inis.

"None of your business!"

"Lakas mong mang trip ha! Naglalaro ba talaga tayo dito Ed? Pano kung may nangyari sa yo ng wala ako sa tabi mo?"

It sounded different. Nyetiks!

"Wala kang pakialam kung gumala ako Morgan!", tinaasan na naman niya ako ng boses.

"Hoy, excuse me lang boss ha! Pero nurse mo ako! Kargo kita! Kung may nangyari sayong masama mananagot ako sa parents mo! Careless!"

Nang di ko namalayang andyan pala si Cindy sa may gilid at sinampal ako ng malakas matapos ko yung masabi kay Ed.

Nadapa ako sa lakas ng sampal ng bruha na di ko naman namamalayan.

"How dare you talk to your employer like that you peasant! Wala ka talagang breeding Morgan!", sabi ni Cindy na naghihimas ng kamay sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

Nasa sahig pa rin ako. Di ko pa ma process ang nangyari. Si Ed, nakatayo lang, nakatingin sa akin.

"That's enough Cindy.", mahinahon pa rin si Ed habang inaawat si bruha.

"No Ed! Itong sinasabi mong nurse eh walang hiya! Siya pa ang may lakas ng loob na pagtaasan ka ng boses! Ang kailangan niya ay maturuan ng leksyon!"

"I said enough Cindy!"

Biglang tumahimik ang buong paligid sa galit ni Ed. Mahapdi parin ang pisngi ko pero mas nag alala ako sa lagay ni Ed. Baka ma stress siya. Baka ikapagod ng katawan niya.

Dahan-dahan akong tumayo. Tinitigan ko lang si Cindy sa mata ng may pagbabanta.

"Saktan mo pa ako ulet, makikilala mo talaga kung gaano ako ka competent na nurse", sinabi ko ng marahan at tagos sa buto.

"Are you threatening me?"

"Hindi na yun threat Cindy, dahil oras na galawin mo pa ako ulet, tototohanin ko na talaga yun ng walang mentis!"

"Morgan! Enough!", sigaw ulit ni Ed.

Nag walk out na ako. Baka kasi masaniban pa ako ng kung ano at mapatay ko yung bruha.

Pumasok nalang muna ako sa kwarto ko. Narinig kong humulyaw sa iyak si Cindy.

Siya pa talaga ang umiyak ha??

*****

Alas dos na ng umaga.

Hindi pa rin ako makatulog dahil sa mga nangyari. Gusto ko na sanang umalis na dito. Sobra na naman yata ang nagawa ko. Lagpas pa sa pagiging personal nurse ni Edward.

Sa kakaisip ko nauhaw tuloy ako. Lumabas na muna ako ng kwarto para magpunta sa kusina at uminom ng malamig tubig.

Nadatnan ko sa kusina si Ed. Nauhaw din siguro at kumuha ng tubig sa ref.

Hindi ko siya kinibuan. Nilampasan ko lang siya at kumuha na rin ako ng sarili kong tubig.

Hindi ko siya pinansin. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay tumalikod na agad ako at aakmang aalis na. Pero hinila niya ako at pinaharap sa kanya.

"Gamotin natin yang pasa mo sa mukha"

"Ayoko. Matutulog na ako".

Ni di ko pala namalayang nagkapasa ako sa sampal ni Cindy.

"Morgan. Wag nang matigas ang ulo. Gamotin na natin yan."

Pinaupo niya ako sa may mesa at kinuha niya ang first aid kit sa may cabinet.

Tahimik lang akong nakaupo doon. Gusto ko na sanang umalis nalang. Kasi nakakapagtakang kahit anong galit, inis at sama ng loob ko sa kanya ay nakukuha pa rin niya ang loob ko.

Umupo siya sa aking harapan at binuksan ang kit. Kumuha siya ng ice bag at sinidlan ng ilang yelo.

"Masakit ba?", tanong niya ng itinapak na niya sa pisngi ko ang malamig na bagay.

Hindi ako sumagot, sa halip ay tumango lang ako.

Hindi ko alam pero nangilid ang luha ko sa mga mata ko.

"I'm sorry.."

First time kong marinig ang sincerity ng sorry niya. Yung nakikita kong naiiyak din siya dahil sa guilt na nararamdaman niya.

"Okay lang ako..", mahinahon kong sagot sa kanya. Nangilid pa rin ang mga luha ko.

Tinitigan niya lang ako.

"Ako, hindi ako okay Morgan"

"Bakit?"

"Kasi nasasaktan ka"

"Ano ngayon?"

"Nasasaktan rin ako.."

"Wag kang magbitiw ng mga salitang ganyan Ed"

"Hindi ka naniniwala?"

"Wala naman yatang totoo sa lahat ng ito Ed"

"Meron Morgan"

"Ang alin?"

"Ako.. totoo ako sa 'yo"

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now