CHAPTER XXXXX

1.2K 96 23
                                    

"Ed? Bakit ka diyan sa bench natutulog?", maingay na bulyaw ni Morgan sa akin nang mahuli akong natutulog sa bench ng ospital.

Nang marinig ko ang boses niya ay dali dali akong gumising na para bang di makapaniwala sa naririnig ko.

"Morgan????"

"Ah..yes? Bakit?"

"Buhay ka?"

Napatitig siya sa akin na para bang gusto niyang tumawa.

"Ah hello?? Ed?? Ano bang nangyayari sayo?"

"Buhay ka nga!", niyakap ko siya ng mahigpit. Umiyak akong parang bata sa piling niya.

"Hoy ano ba? Tinatakot mo naman ako Ed eh! Ano na naman  ba tong trip mo?"

"Whew!!!... buhay ka.. buhay ka asawa ko.."

"Wow... ngayon mo lang ulet ako tinawag ng ganyan ha? Ano ba kasing nangyayari sayo Ed? Kinakabahan naman ako sayo eh"

"I'm sorry Morgan.. I'm so sorry.. I missed you! I love you!", hinalikan ko siya ng paulet ulit.

"Haha natatakot na ako sa trip mo Ed ha, ano bang meron? High ka ba?? Naka drugs ka ba? Nasobrahan ka ba sa gamot??"

Pinakawalan ko siya sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinimas ko ang kanyang mukha at dinoble ang pagkikilatis kung totoo ngang buhay siya.

"Oh? Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?", usisa ni Morgan.

Nang masigurado kong buhay nga siya ay saka pa ako nagsalitang muli. Lumuhod ako at hinawakan siya sa kamay.

"Will you marry me again Morgan?"

"Whoah... hoy.. ano bang biro to Ed??"

"No no, hindi to biro Morgan. Please? Will you marry me? Again?"

Tinitigan ako ng mabuti ni Morgan.
Ina-analyze pa niya ang buong pangyayari. Nalilito siya pero alam niyang genuine ang tanong ko.  Naluluha siya sabay tango sa akin.

"Yes?"

"Yes...."

"Whoho!!!!! I love you Morgan!!"

Tumayo ako at kinarga ko siya.

"Hoy ano ba ang ingay ingay mo Ed nasa ospital pa tayo.."

"Teka.. ano nga bang ginagawa natin dito?",kinabahan ako. Binaba ko siya ulet.

"Diba may meeting ka kanina? Nakita nalang kita dito natutulog sa labas eh. Nagpapabaya ka na naman. Kung saan saan ka natutulog eh.."

"Ah talaga? So panaginip lang pala yun lahat! Whew!"

"Ang alin?"

"Ha?"

"Alin ang panaginip lang Ed?", di maipinta ang mukha ni Morgan sa lito.

"Y-yung.. nagkasakit ka.. mabuti nalang panaginip lang yun..",bigla akong kinapos sa paghinga ng sabihin yun sa kanya. Akala ko kasi totoo.

"Ito naman, binigyan pa ako ng sakit.. hahah", tawang tawa si Morgan sa akin.

Natawa na rin ako. Naprapraning yata ako sa panaginip na yun. Parang totoo.

"Tara na Morgan,let's go! let's celebrate!"

"Ay wait lang Ed may pupuntahan muna ako"

"Saan ka naman pupunta?"

Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Doon lang sa office ni mommy, naghihintay kasi si daddy sa akin dun eh", nakangiti niyang sagot sa akin.

Biglang huminto ang mundo ko.

Bumalik ang matinding pangamba sa puso ko.

"D-daddy mo?", naluha ako.

"Oo, hinihintay na raw niya kasi ako eh.. punta na ako dun ha?", sabay kaway niya sa akin.

"M-Morgan?? Sandali!! Wag!!! Wag mo akong iwan!! Morgan!!!!"

At nagising ako.

Humagulhol ako ng makita kong wala si Morgan sa tabi ko.

Nanaginip akong nagpaalam siya.

Nasa labas parin ako ng operating room. Wala pang balita galing sa loob.

Please please God.. wag naman sana.

Morgan please.....

RETURN IF POSSIBLE...

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now