CHAPTER XXXXIX

1.2K 93 19
                                    

Nagmadali akong pumunta sa ospital.

Mugto ang mga mata.

Balisang balisa.

Gustong gusto ko na talagang makita si Morgan. Gusto ko nang humingi ng tawad sa kanya. Gusto ko nang magkaayos na kami.

Gusto kong maging okay na ang lahat.

Gusto kong makita at makasama ng matagal ang aking asawa. Mahalin pa siya nang mas matagal. Maging buo ulit ang pamilya namin. Palakihin ito at magmahalan habang buhay.

Nang makarating ako sa ospital ay dumiritso na agad ako sa ICU. Nagpaalam ako sa mga staff dun na gusto ko sanang makapasok. Kaya lang andun si Tita Malaya.

"Anong ginagawa mo dito Ed?"

"Tita .. please.. I want to see my wife.."

Napabuntong hininga siya. At pinapasok na ako sa loob. Siguro ay naawa na rin siya sa akin at pinahintulutan nalang akong makita si Morgan.

Habang papalapit ako kay Morgan ay unti unti kong nasilayan ang katawan niyang walang malay. May maraming swero. May tubo sa bibig niya na sumusuporta sa paghinga niya.

Naluha ako. Bakit parang wala naman akong pwedeng gawin para gumaan ang pakiramdam niya?

"Kasalanan ko din to eh", sabi ni tita na naluluha na rin.

"Pinabayaan ko ang anak ko Ed. Hindi ko man lang siya naalagaan"

"May kasalanan din po ako tita, kung diko sana pinilit yung gusto ko di sana po ligtas si Morgan ngayon"

"Tapos na yun Ed. Wala ng saysay kung magsisihan pa tayo. Ang pwede nalang nating gawin ngayon ay ipanalangin na maging matatag at makaligtas si Morgan."

"Tita ano pong pwede kong maitulong sa kondisyun niya?", tumulo ang luha ko.

"Nothing Ed. I'm afraid wala kang magagawa para matulungan siya. Siguro, ipadama mo nalang sa kanya ang yung pagmamahal. She is in very critical condition. She needs another operation. Her kidney is failing so bad she could die instantly"

"Po?"

Lalo pang tumulo ang luha ko nang sabihin yun ni Tita Malaya. It seemed like this was a hopeless case.

"Ayoko pang mamatayan ng anak Ed. Hindi ko kakayanin"

Nagyakapan kami ni Tita. Pareho kaming naiyak sa kalagayan ni Morgan. Ee were both feeling helpless.

Pareho kaming walang magawa. Pareho kaming nagkulang, at ngayon si Morgan ang nagbabayad ng lahat ng yun.

*****

"Morgan? Naririnig mo ba ako?", bulong ko sa tenga niya.

"Ako to si Ed.. halika na.. gumising ka na.. sabik na sila mommy at daddy na makita tayong nagkaayos na. Pati mommy mo nangungulila na sayo", pinahid ko ang luha ko.

"Pati si Skringe, namimiss kana niya.. please Morgan.. gumising ka na.."

Walang kahit isang palatandaan na naririnig ako ni Morgan. Tulog pa rin siya. Kahit yung mga kamay niya ay nanlalamig sa mga hawak ko.

"Gusto mo pag gising mo, bili ulet tayo ng ice cream? Or how about bigyan natin ng kapatid si Skringe? Gusto mo ba yun?"

Wala akong marinig na ingay na galing kay Morgan. Tahimik lang siya. She looked so peaceful.

"Please Morgan.. come back to me.. hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka. It would be unfair na binuhay mo ako pero iiwanan mo nanaman ako.. Please.. be my wife again Morgan.."

Dahan dahan kong hinalikan ang kanyang mga kamay at isinuot sa daliri niya ang dati niyang engagement ring at wedding ring namin.

"Please be my wife again.. marry me again.. please please come back to me Morgan.."

Niyakap ko siya nang napaka higpit. Wala akong ibang pwedeng gawin sa mga oras na yun. I was getting weaker and weaker by the heart sa tuwing nakikita kong nahihirapan si Morgan.

"Wag mo muna akong iwan Morgan.. hindi ko ulet kakayanin yun.. please bumalik ka na sa akin.."

Nang biglang nag iba ang tunog ng monitoring machine niya. Iba sa normal. Maingay. Something is wrong. Kinabahan ako.

"Morgan? Bakit?"

Nataranta ako ng paunti unting nanginig ang buong katawan niya at nangisay siya. Nakita ko kung pano siya nahirapan at kung paano siya naluluha. She looked in pain.

"Morgan!!! Nurse!!! Nurse!!!"

The whole place was suddenly filled with nurses and doctors. Parang biglang nag fast forward ang lahat sa paligid ko. Nandun rin si tita Malaya.

Di sila magkamayaw sa pagligtas kay Morgan. Samantalang nasa isang gilid lang ako, nakatayo at pinanonood ko kung paano nila pinapapabalik sa buhay si Morgan.

Diyos ko! Wag po muna.

Lahat di magkamayaw. Lahat ginagawa ang makakaya nila.

"Marydale lumaban ka!!!"

Sigaw ng mga kasama niya.

"Stat OR!!!"

Sigaw ng isang doctor sa mga nurses na inilabas si Morgan sa ICU at dadalhin sa operating room.

"Morgan?? Tita saan nila dadalhin si Morgan??"

"Dito ka lang Ed.. I'll make things right.. ililigtas natin si Morgan.."

Wala akong naintindihan sa mga nangyari. Masayadong mabilis. Masyadong hindi kapanipaniwala na maaaring mawala si Morgan sa isang iglap.

Gusto kong sumunod sa kanila sa Operating room pero pinigilan nila ako.

Hindi ko na siya nakita matapos siyang maipasok sa operating room. Napaluhod ako sa may sahig. Napayuko ako. Nanginig ang mga tuhod ko. Iluluwa na yata ng bibig ko ang puso ko sa kaba.

Pag may nangyari kay Morgan.. di ko talaga alam ang gagawin ko. Di ko kakayanin.

Please Morgan... come back to me..



COME BACK TO ME....

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon