CHAPTER XXXVI

1.2K 94 28
                                    

"Are you okay?", pangungulit pa rin ni Ed sa akin habang papauwi na kami sa bahay niya.

"Ed. Masyado ka ng makulit, mukhang kailangan na kitang iligpit",biro ko sa kanya.

"Hindi ako nakikipag biruan sayo Morgan,I'm serious"

"Eh di rin naman ako nag jo-joke Ed! Okay na nga ako! Parang hinimatay lang! Sus!"

"Ewan ko sayo Morgan"

Bigla na namang natahimik ang loob ng sasakyan. Siguro nga ay labis ko siyang pinag alala kanina kaya ganun nalang ang pangungulit niya sa akin.

"Hay.. Ed? Tumingin ka nga muna sa akin", sabay hila ko sa kamay niya.

"Okay na ako, promise"

"Okay. Sabi mo eh.."

Ngumiti ako sa kanya. Nginitian din niya ako at naghawak kami ng kamay namin habang papalapit na sa bahay nila.

Nung papasok na kami sa mansyon nila ay isang pamilyar na kotse ang nakaharang sa tapat ng bahay.

Paktay! The return of the come back!

Kay Cindy.

Bumalik ang bruha.

Nang makababa na si Ed sa kotse ay nakita kong dali daling nagtatatakbo si Cindy patungo sa kanya at sinalubong si Ed ng isang mahigpit na yakap.

Shit. Nasaktan ako sa nakita ko.

Laking pagtataka naman ni Ed kung bakit bumalik siya. Hindi naman siya nagbalik ng yakap pero halatang nag alala ng makita si Cindy na umiiyak pala.

Ano na naman kayang palabas to???

Nasa labas parin kaming lahat. Lalo pang humagulgol si Cindy habang nakayakap kay Ed.

"Cindy what's wrong?", pag aalala ni Ed sa higad, este, kay Cindy.

"I need a place to stay Ed.. my parents disowned me"

Ha??? Ano raw?? Bakit dito?? Bakit di sa hotel?? O kaya sa puno?? Bagay siya dun eh.

"It's okay, my place is open for you"

"Ano?!", di ko napigilang mag react nang malakas.

Paksheet!

"Okay lang ba talaga? Baka naman kasi magalit yang nurse mo?", sabi ni Cindy na nakapulupot pa rin kay Ed.

"It's okay Cindy, you can stay here. Diba Morgan?",konsulta ni Ed sa akin.

Hindi! Ayoko! Ayoko!! Vaklang to!

Char! Syempre di ko masabi yan ng malakas. So I agreed nalang. Sino ba naman ako diba??

"Ikaw. Ikaw bahala sir",sagut ko sa kanya habang papasok na sa loob.

Humagulgol pang muli si Cindy. That attention seeker! Arghh!!

*****

Hapunan. Nasa hapag kainan kaming lahat. Wala akong imik, habang si Cindy ay ineexplain parin kay Ed na nag away pala sila ng kanyang parents.

"Sige dumito ka nalang muna"

"Thank you talaga Ed ha, you're my knight in shining armour", pa cute ni Cindy.

"Mukha mo", di ko mapigilang maibulong.

"Morgan", pandidilat ni Ed sa akin.

"Galit ka ba Morgan?", tanong ni Cindy na nagpupunas ng uhog niya.

"Hindi. Ikaw? Galit ka?", balik kong sagot sa kanya na nakataas ang isang kilay.

"Hindi rin, I'm so happy nga eh", plastic na ngiti ni Cindy na milalandi ang boypren ko!

Nag uusap parin sila ni Ed tungkol sa pagpapalayas sa kanya ng mag ring ang cellphone ko.

Si Luis.

Walang pagdadalawang isip kong sinagot ang cellphone ko at lumabas. Bahala na kung magalit si Ed, I needed an excuse to leave that room with Cindy.

"Oh Lu, kumusta?"

"Hi Dale, okay lang ako. Ikaw ba kumusta?"

"Eto, okay lang, hmm anong meron?"

"Wala naman, nangungumusta lang namiss kasi kita eh. Tagal na nating di nagkakabonding eh. Labas naman tayo paminsan minsan"

"Ahm.. di ako sure eh, baka magalit ang amo ko sa akin. Siguro next time nalang Lu"

"Sure ba yan next time?"

"Susubukan ko Lu"

"Okay sige Dale. It's really nice to hear your voice. Thank you sa pagsagot ng phone mo"

"Sige Lu, goodnight"

Nang matapos ang tawag ni Luis sa akin ay nagpahangin pa ako ng kunti sa labas.

Para kasing di ko na matiis na nandito na naman si Cindy. Baka magpang abot pa kami.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay bumalik na rin ako sa loob ng bahay. Wala na doon si Ed, siguro umakyat na sa kwarto niya.

"So? Aren't you happy I'm back Morgan??", nakangiting sabi ni Cindy habang umiinom ng wine sa mesa.

"Ang galing mo rin ano? May back up plan ka pa talaga", sagut ko.

"Of course! Di ko yata forte ang magpatalo!"

"So maninira ka na naman ng relasyon?"

"Relasyon?? Bakit? Official nabang kayo ni Ed dear??", pagmamaldita niyang sumbat.

"Oo! Kami na!",nasaktan ang ego ko kaya pinagyabang ko na.

"Baka sa papel ka lang naging jowa??"

Saglit akong napigilan sa sinabi niya.

"Oh ano? Nabulunan ka ba sa sinabi ko? Di ba sa papel ka lang niya girlfriend??"

"Totoong mahal ako ni Ed"

"Anong proweba mo Morgan? Yung libog niya sayo? O yung awa niya sayo kasi kailangan mo ng trabaho?"

"Mag dahan dahan ka sa pananalita mo Cindy. Nagpipigil lang talaga ako!", kumukulo na ang dugo ko sa mga sinabi niya.

"Oh well ganun naman talaga. You're just an instrument in fulfilling his lists of joy Morgan. Pero yung truth? Walang TOTOO sa inyu ni Ed! Masasaktan ka lang!"

"Eh ano naman ngayon? Di mo lang talaga matanggap na hindi ikaw ang pinili niya!"

"Sure ka ba dyan Morgan? Sure ka? Baka naman kasi isang araw eh maisipan na ni Ed na iterminate ang kontrata niya sayo. And by the time it happens, pagtatawanan nalang kita. Diba?"

Gusto ko na talagang manuntok ng higad pero nanghina ako sa mga sinabi niya. Kasi lahat ng yun may punto.

Lahat ng sinabi niya sa akin ay sinampal ako sa mukha ng napakalakas.

"Pano ba yan Morgan? May the best girl win nalang ha? Ay! Nakalimutan ko nga pala! Yours is just written in the papers! Hahahhaha, goodnight!"

Hanggang saan aabot ang pasensya ko?

!#&®© «¡[*$<$

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now