CHAP XVI

1.2K 98 22
                                    

Ninamnam ko na muna yung napakagandang dagat. Unti- unti na ring bumaba yung adrenaline rush ko. Ang saya nang pakiramdam ko. Sana napasaya ko rin si tukmol.

Bumaba na rin si Ed sa bangin.

Lumangoy na ako patungo sa mababaw na parte ng dagat malapit doon sa camp site namin at dahan dahan na akong umahon.

"You are one crazy girl Morgan"

Salubong sa akin ni Ed na nakangisi at tila ba di makapaniwalang tinalon ko talaga yun.

"Sabi ko naman sayo eh, I don't bluff", nakangisi ko ring sinabi sa kanya na para bang nabibilib rin sa sarili ko.

He offered me a towel sabay talikod niya at pumunta na sa hapag kainan.

"Wow.. ang sarap naman nang mga handa mo yaya!"

Nanlaki ang mga mata ko sa iba't-ibang handa sa mesa. Para bang may fiesta sa harapan ko ngayon.

"You deserve to eat Morgan, heto oh"

Nanibago ako sa mood ngayon ni Ed. Para bang bigla siyang sumaya. Siguro effective yung pagtalon ko kanina sa bangin. Whew. Ang hirap palang i-please netong si tukmol. Literal na kailangan mo pang mamatay para sa kanya. At ngayon ko lang naisip na kamuntik na nga akong mamatay kanina para mapasaya ko siya.

Am I getting that stupid for him??

Kasali pa ba yun sa job description ko??

*****

Gabi na. Kanya kanya nang kasiyahan tong mga kasama ko. Si mamang driver nasa isang tent nanonod yata ng kung ano-ano dun sa smart phone niya. Yung dalawang yaya naman ay andun rin sa isang tent nila. Nag seselfie at natutuwang nagpo-post sa kani-kanilang mga facebook.

Ako naman ay nandito lang sa labas, nakasandal sa isang mahabang plastic na upuan at tinatanaw ang mga naglalakihang tala sa langit. Lumalamig na ang simoy ng hangin. Tahimik na ang paligid. Malayo sa gulo ng totoong mundo.

"Morgan"

Bigla akong napalingon sa tawag ni Ed na nasa likod ko lang pala.

"Ba..bakit? May kailangan ka ba? May masakit ba sayo?"

"Ahm.. wala naman. I'm fine.. ahmm"

"Yes? May gusto ka bang sabihin? Gusto mo bang umupo dito?"

Tumayo lang siya sa harapan ko. This time naka dungaw siya sa akin na nakaupo pa rin.

"Saan ka matutulog?"

Tanong niya sa akin na may seryosong mukha.

"Sa tent! Alangan namang dito ako sa labas?!"

"Saang tent??"

Napalingon ako sa mga tent. Napabilang ako nang saka ko lang napansing tatlong malilit na tent lang nga pala ang meron kami.

"Wag mog sabihing tatabi ka kina yaya? O sa driver?", tanong ni Ed na may seryoso paring mukha.

Eto na naman to. Ano na naman kaya ang binabalak nito?? Naisahan na naman yata ako nang tukmol na ito.

My heart rate was raising fast against my rib cage.

"Di..dito nalang ako sa labas, mas nice pala dito"

"No. Halika ka na, matulog na tayo"

Sabay hila niya sa akin papasok sa nag iisang tent na walang tao. Hindi man lang ako nakapag piglas. Hindi man lang ako nakapag protesta.

Nang makapasok kami sa tent ay sinara na niya ito at itinulak ako para maihiga.

"A..anong binabalak mo?? Please wag mo tong gawin Ed"

"Matulog na tayo Morgan, I'm tired. Please."

"Ha???"

"What are you thinking?? I won't harm you. Let's just sleep. Please?"

Natulala ako. Seryoso siya. Humiga na rin siya at tumabi sa akin. Kinumutan niya muna ako saka siya tumagilid sa kabila at natulog na rin.

Nanigas ako sandali. Hindi pa humuhupa ang kaba ko. Malulunok ko na yata ang buo kong kaba. Nawindang ako sa ginawa niya.

Pinilit kong kumalma since hindi na kumikibo si Ed. Natutulog na yata. Humupa na rin ang panginginig ko sa kaba ilang minuto ang lumipas.

Pipikit na sana ako sa dilim nang biglang bumaling sa akin si Ed. Hinila niya ako papalapit sa kanya, ipinatong niya ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap ako sa ilalim nang iisang kumot. Niyakap niya ako ng buong buo at mahigpit.

Hindi ako nakapag piglas. Natulala ako. Nakapikit lang siya habang niyayakap ako.

Gustuhin ko mang pumiglas ay para bang wala akong lakas na labanan siya.

Wala akong nagawa kundi pakinggan ang tibok ng puso niya.

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now