CHAPTER XXXIX

1.3K 106 39
                                    

"Why am I being called in your office doc?", matamlay kong tanong kay doc Malaya na masama na naman ang tingin sa akin.

"Ano na naman ba ang ginawa mo Marydale?", may paratang sa boses niya.

"Nagsumbong na naman ba si Cindy sa managment niyo doc?", I sighed.

Alam ko kasi kung bakit pinatawag na naman ako ni doc Malaya ngayon dito sa office niya. Para sermonan. Para balaan. Para kutyain. Para I disregard ang side ko at ipaglaban ang mali.

"Di mo yata kasama si Ed ngayon? Paano ba yan walang magtatanggol sayo?", mahinahon pero mabigat na pagkakasabi no doc Malaya.

Siguro may sama pa siya ng loob sa amin dahil dun sa pagkakasagot ni Ed sa kanya.

"Didiritsahin na kita miss Entrata. Our hospital's name is holy. And I don't want anything outside related issues na makaapekto sa business ng ospital na ito. Not even yang gulong pinasok mo sa mga Barber."

"Doc, I did not do anything wrong. Bakit ba lagi niyo akong minamasama?"

"I know your capabilities Marydale. Sometimes you're impulsive and impatient. Ewan ko ba kung bakit ikaw pa ang napili ni Edward mag alaga sa kanya!"

Napahinto ako. Lalo pang sumama ang loob ko pagkatapos kong marinig ang mga linyang iyon na galing kay doc Malaya.

"How could you say that?", naiiyak kong tanong sa kanya. Di na ako nakapagpigil ng emosyon ko.

"Oh? Bakit ka naiiyak? Nasasaktan ka?"

It was getting way deep and way personal.

My eyes started to shed tears.

"Umayos ka nga Marydale. This is so unprofessional of you!"

"It is unprofessional! This is getting personal! At hindi mo man lang ako magawang ipagtanggol ma!"

Napahinto kami pareho. Matagal ko na kasi siyang hindi natatawag ng "Ma".

Humagulgol na ako. I was with so much mixed emotions, I went weak and cried.

"Magpaka nanay ka naman sa akin mommy! Anak mo ako! Di mo ako basta employee lang!", umiyak na ako ng todo.

Di ko alam pero nawala ako sa estado kung saan gagalangin ko lang siya bilang isang medical director.

Ngumawa ako. Dahil ang bigat bigat na ng loob ko.

"Wala akong anak na mahina ang loob."

"Mommy, ayoko na po. Bakit niyo ako pinayagan na magtrabaho doon? Why don't I have a choice? Anak niyo pa rin ako!"

"Kasi matigas rin ang ulo mo! Pinili mo ring makipaglaro kahit hindi naman tama! Hinayaan mo ring alipustahin ka ni Ed!"

Biglang natahimik ang loob ng office ni doc Malaya. Napakatahimik na nakakabingi na.

Nakita kong nangilid rin ang luha niya sa mga mata niya. Nakita kong nasasaktan rin siya sa tuwing nasasaktan ako.

But she chose to act tough.

"Pinili mo yan Marydale. At pinili mo ring kalimutan ako bilang nanay mo. Kaya wag na wag mo akong sisisihin kung bakit ka nahihirapan ngayon!"

Napabuntong hininga si mommy. Samantalang patuloy parin ako sa aking pag iyak.

*****
(Flashback)
Doctor Malaya Entrata.

Siya ang mommy ko. Siya rin ang medical director ng ospital nina Ed.

Matalik siyang kaibigan ng  parents ni Ed kaya nga rin siguro di na niya inalintana noong ako ang piliin ni Ed para mag-alaga sa kanya.

Nagsimulang magkalamat ang relasyon namin ni mommy nung mamatay ang daddy at nagrebelde ako sa kanya.

Siguro nga dahil na rin sa mga pagkukulang niya sa akin. Ang daddy ko lang yata ang nagpapahalaga sa akin dati. Yung tinuring talaga akong anak.

Kahit kasi busy ang daddy ko sa mga business niya ay di siya nawawalan ng oras sa akin.

Pero si mommy? Ospital lang yata ang naging buhay niya. Ni minsan di ako nasasagi sa isip niya. May mga pagkakataon pa ngang nakakalimutan niyang may anak pa pala siya.

So nagrebelde ako. Pero paminsan minsan hinahanap hanap ko parin ang aruga ng isang nanay.

Kaya kahit nagrebelde ako sa kanya sinikap ko paring mapalapit sa kanyang loob. Sinikap kong makasali at makapasok sa mundo niya.

Kaya ako naging nurse. Kaya ako nagtrabaho din sa ospital na ito. Para kahit man lang sa trabaho magkita at makasama ko siya.

Pero wala pa rin. Iba pa rin ang trato niya sa akin. Di ko parin madama na mahal na mahal niya ako.

Still, within professional limits.

(End of flashback)

"I can't pull you out sa sitwasyong pinasok mo Marydale"

"Mommy, please.."

"Alam ko namang kaya mo yang lagpasan, pero hindi ako makakatulong"

"Please.."

"You may go out now"

Nagpahid ako ng luha ko. Tanggap ko na hanggang doctor at nurse lang ang relasyon namin ni mama.

Tanggap ko na matagal na akong mag isa.

Lumabas na ako sa office niya. Mugto ang mata. Mabigat ang loob.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Ed na nakatayo sa labas at hinihintay ako.

Sumunod pala siya sa akin sa ospital. May tililing talaga sa utak.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pinaalis ko na si Cindy.. hinding hindi na siya babalik."

Tumulo ang luha ko.

"Totohanin na natin to Morgan"

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Totohanin na natin to please", muli niyang sabi.

"Ano ba ang totoo sayo Ed?"

"Wala na yung kontrata natin. Teniterminate ko na"

"Ano na namang pakulo to?", naiiyak pa rin ako.

"Hindi nato laro Morgan, totohanin na natin lahat ng ito"

Hindi ako nakapagsalita. Siguro sa pagud ng lahat ng nararamdaman ko.

"Let me prove it to you Morgan"

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now