CHAPTER XXIII

1.2K 102 35
                                    

"Napa ka reckless mo talaga Ms. Entrata! Bakit ka nang aaway sa mga employer mo?!"

Nagagalit na paratang ni Doc Malaya sa akin nang magpunta ako sa office niya.

"Doc, wala po akong ginagawang masama doon. I was doing my job, no actually, I was doing more of my job"

"Wala ka raw galang sabi ni Miss Reyes sa report niya!"

So nag report pala ang bruhang si Cindy.

"Teka naman ho Doc, di naman po ata makatarungan na itinulak niyo ako sa sitwasyong to nang basta-basta at nagpapaniwala kayo dun sa bruhang yun!"

"Marydale! Mahiya ka nga! Totoo ngang ill mannered ka na!"

Gusto ko pa sanang sumagot, pero nagtimpi na ako. Baka kami naman ang magpang abot ni doc. Ayoko na ng gulo.

"Then with all due respect doc, I willingly withdraw from this assignment.."

"No. That's not the solution!"

"Eh ano pa po ang point ng lahat ng ito?? Ako po yung naiipit. Ako yung nahihirapan?"

"You do your job well Marydale or I swear makikick out ka sa mga pinag gagawa mo!"

"Sobra naman yan doc, wala po yan sa job description ko ah"

Nararamdaman kong nanginginig na ako sa galit. Ako na nga ang minamaliit doon, ako pa ang napapasama dito sa hospital.

"You better get your act right Marydale, or they'll put an exquisite consequence with all of these"

"Pero doc.."

"You listen and obey. Kung gusto mong makalabas agad sa sitwasyong pinasukan mo"

Tumigil sandali ang mundo.

Wala na. Talo na. Finish na.

*****

"Dale to earth??"

Bigla kong naalalang may kausap pala ako. Inimbita nga pala ako ni Luis na mag lunch sa paborito niyang resto.

"S-sorry Luis ha, may iniisip lang"

"It's okay. Bakit ba parang lumilipad yang isip mo Dale? Is there something wrong?"

"No, it's okay. I'm fine.. sorry.. hehe"

"Well anyways, tell me what's new about you Dale? It's been what? Six years already?"

"Wow.. tagal na pala talaga nating di nagkikita ano? Ako? Well, Ito pa rin, ganito parin ako"

"Oo nga, ganyan ka pa rin. Napakaganda mo pa rin.."

May konting katahimikan ang namagitan sa amin.

"Haha.. bolero ka pa rin Lu. Ikaw ba? What's new about you?"

"Heto, hindi pa rin nakapag settle down.. gusto ko na nga eh pero mukhang nahuli na yata ako.."

"Marami pa dyan Lu, darating din yan sa yo", patawa kong sinabi sa kanya.

"Gusto ko nga sanang ikaw nalang Dale eh, pero parang di na ako makakahabol", patawa niya ring sinabi habang nakatitig sa akin.

"Ah.. kasi Lu..ano.."

"It's okay Dale, you don't have to feel awkward about this..hehe"

"Hah! Oo nga eh.. parang.. ano.. akala ko ba okay na tayo?"

"Oo.. okay naman tayo diba? We're still good friends. But, you know, minsan napapaisip ko pano kung tayo nalang sana?"

Sasagot na sana ako ng biglang napansin ko si Ed na nakatayo sa may tapat ng table namin.

Nakatingin lang siya sa amin ni Luis na para bang wala sa mood.

"Morgan, kanina pa kita hinahanap. Umuwi na tayo"

"Ah.. Ed, si Luis nga pala. Kaibigan ko"

"So?"

"Hello pare, we're just having lunch ni Dale"

"Morgan, umuwi na tayo!"

"Wait pare.. kasi.."

"It's okay Lu, it's fine. I got this, okay?"

"Are you sure Dale?"

"Yes Lu, it's okay. I'm good! Thank you pala ha. Mauna nalang ako Lu, bye!"

"Okay.. take care Dale"

Hinila bigla ni Ed ang braso ko habang pinapasakay sa sasakyan niya.

Pinaharorot niya bigla ang sasakyan. Matulin ang kanyang pag mamaneho. Wala siyang kibo sa akin.

Kinabahan ako sa lakas at tulin ng andar ng kotse. Napansin ko ring walang Cindy sa loob na kasama namin. Kami lang palang dalawa.

"E-Ed.. dahan dahan naman sa pagmamaneho.."

Wala pa rin siyang kibo. Hanggang sa unti-unti niyang dinahan dahan ang takbo ng kotse, at medyo lumamig na ang mood niya.

"What were you doing there Morgan? And with that guy?"

"Wala naman kaming ginagawang masama Ed. Kumakain lang kami."

"And then what? What after?? Do you like that guy??"

Nagulantang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Teka nga muna? Bakit ba? Ano bang issue mo??"

"Ikaw!"

"Anong ako?"

"Ang daya mo!"

"Ha?? Nalilito ako sayo Ed! Anong ang daya ko??"

"Ang daya daya mo Morgan!!"

"Hoy.. ano bang problema mo?"

"Gusto kita! Gusto kita! Gusto kita! Di pa ba halata??!"

Tuluyan na akong nabulunan. Wala na akong nasabi. Nagulat ako.

Nagpupuyos pa sa galit si Ed. Hindi narin muna ako nagsalita.

Pinalagpas ko pa ang ilang minuto bago nagsalita ulit.

"A-anong sabi mo?"

"Umuwi na tayo. Pagod na ako Morgan"

"Ano ba to lahat Ed?"

"Wala"

"Ano ba talagang problema mo?"

"Ikaw. Tayo."

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon