CHAPTER VII.

1.2K 101 24
                                    

"Hindi ko hinahawakan yang kamay mo ah! Nagbibilang lang talaga ako ng pulse rate mo!"

"Hah.. ang defensive mo talaga Morgan! Binabalaan talaga kita, wag na wag kang maiinlove sa akin"

"Talagang hindi. You're not my type sir. And this is strictly professional relationship only!"

"Ang ingay mo Morgan! Just go out for a while"

Naiinis na talaga ako sa tukmol na ito. Sobrang feeling! Hindi lang hambog! Feeling pa!

Lumabas na muna ako sandali sa kwarto niya. And since gabi na ay pinagluto ko na lang muna siya ng makakain niya.

Matapos kong lutuin ang panghapunan namin ay di ko na siya pinababa. Dinalhan ko nalang muna siya sa kwarto niya. Pero nung papalapit na ako sa kwarto niya ay narinig ko siyang may kausap sa phone niya. Naghintay nalang ako na matapos siya.

"Ahm.. kain ka muna sir.. strict renal diet muna tayo ha, low salt nalang muna"

"Nasanay na ako diyan."

Buglang nalungkot ang boses niya. Siguro di pa niya kayang tanggapin na sa balang araw ay mawawala na rin siya.

"Gusto mong sabayan kita kumain?"

This was a stupid idea.

"And what gives you the idea na gusto kitang makasalo sa pagkain?"

Ouch.

"Wala ho.. nagbabakasakali lang po sir"

Aalis na sana ako nang...

"Okay.. you can join me.. matagal na rin akong walang kasalo sa pagkain"

"Eh.. yung parents niyo po?"

"Do I look like I'm still living with them?"

"Ah..oo nga naman sir.. sorry po"

"Wag ka nalang mag ingay Morgan. Kumain nalang tayo"

"Okay.."

Bigla na namang naging malungkot ang awra ng monster na ito. Para talagang bata.

"I'm sorry natanong ko yun sir.. akala ko lang naman kasi di kayo nag iisa dito"

"Pwede ba Morgan.. ang ingay mo talaga.."

*****

"Morgan!!!"

Nagulantang na naman ako sa tawag ni tukmol. Hating gabi na nang sumigaw siya. Mabilis kong inakyat ang mahigit dalawampong andanang hagdan. Hinihingal na ako ng sa wakas ay narating ko ang malakong kwarto niya.

"Ano yun Ed? Anong nangyari?"

Pero ang nadatnan ko ay isang nagbabasang tukmol sa kama niya.

"Are you in a hurry?", pangiti niyang tanong sa akin.

Halos sugurin ko siya at gulpihin sa sobrang pang iinis niya sa akin.

"Bakit mo ba ako niloloko?"

"Kailangan kita dito Morgan"

"Bakit?"

"Anong bakit? You're my nurse, you should be with me 24/7!"

"Sir twelve hours lang ho ang duty ko sa inyu, gusto niyo bang maging zombie ako?"

"Sinabi ko bang mag duduty ka ngayong gabi?"

"Eh bakit nga po pinatawag ninyo ako dito??"

"Dito ka lang sa tabi ko Morgan.. kailangan kita dito"

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now