CHAPTER XXXXII

1.3K 104 18
                                    

"Saan mo ba ako dadalhin Ed?", tugon ko nang ipapikit ni Ed ang mga mata ko habang bumabyahe kami.

"Papatayin mo na ba ako?", nakatawa kong sabi.

"Yup. I'm kidnapping you Morgan", pabiro niyang sagut sa akin.

Siguro mga thirty minutes din yung byahe namin. Nakatulog na nga siguro ako dahil sa layo at dahil nakapikit na ako.

Nang maramdaman kong huminto na ang sasakyan ay saka na nilagay ni Ed ang blindfold sa mga mata ko.

"Para sure na you won't sneek"

"Wow ha, sa lagay na to daig ko pa ang bulag Ed!"

"Halika na"

"Nasaan naba tayo??"

"Ang ingay mo Morgan, wait lang"

Inalalayan niya ako sa pagbaba. Mga ilang hakbang at lakad pa ang ginawa namin bago marating ang lugar na pinagdalhan niya sa akin.

Pagkapasok namin ay naramdaman ko na ang lamig sa lugar.

"Bakit ang ginaw?? Sementeryo ba to?"

"You can open your eyes in three.. two.. one..open!"

At nang buksan ko nga ang aking mga mata ay nagulat ako sa aking nakita.

"Happy Birthday Marydale!!!"

Nasa isang napakagandang harden kami. Puno ng lights. Puno ng magagandang dekorasyon.

Nandun ang lahat ng mga kaibigan ko. Pati ang parents ni Ed ay nandun rin.

Wait.

Birthday ko nga pala. Paano ko yun nakaligtaan?

"I knew for sure na nakalimutan mo ang birthday mo dahil sa kakaalaga mo sa akin, so I'm giving you this party. Hope you like it Morgan"

"Loko ka talaga!", wala akong ibang nasabi. Maiyak iyak akong sinalubong ng mga kaibigan ko. Lahat bumabati ng maligayang kaarawan sa akin.

Pati parents niya, bumati rin. Isa nalang yata ang kulang. Si mommy.

"And these are for you my birthday girl"

Isang napakalaking bouquet of flowers ang binigay ni Ed sa akin. Mga stargazers. Ang paborito ko.

"Alam na alam mo talaga ang mga paborito ko ha"

"Of course, ako pa"

"Thank you Ed"

"And thank you too. Now, enjoy your party Morgan"

Napakasaya ng mga oras na yun. Lahat nag eenjoy. Para bang bumabawi ang tadhana sa lahat ng pananakit niya sa akin.

Char!

Pero ang saya ko talaga ngayon. At ang saya sayang tignan ni Ed na pinapasaya niya ako.

*****
(Please lang pakinggan niyo ang kantang GOODBYE by Carlie Hanson bago basahin ang mga sususnod na scene. Requirement to kung ayaw niyong mag sisi 😜 )




Halos magmamadaling araw na ng makauwi kami sa bahay ni Ed. It was a very memorable night. Ang kaarawang hinding hindi ko malilimutan.

Naunang umakyat si Ed sa kwarto niya, siguro napagod.

Nang sumunod ako sa kanya ay napansin kong madilim na ang kwarto niya. Yung ilaw lang na nanggagaling sa buwan ang nakakapasok na ilaw dun.

Nandun si Ed sa kama. Nakaupo, at nakatanaw sa may bintana niya.

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now