CHAPTER VI.

1.2K 96 30
                                    

"Ito.. ayos naba to?"

"Morgan? Tanong ko lang ha, at wag kang maoofend"

"Ano na naman yun sir? Nakaka sampung beses na akong palit ng damit dito sa dresser ha!"

"Tomboy ka ba? Bakit laging nasa jeans at shirt ang mga choices mo?"

"Excuse me? Ako? Tomboy? Napaka judgemental mo naman yata sir!"

"Nope. Magpalit ka. Pera ko ang gagamitin dito, magsoot ka ng nga dress!"

"Arghhhh!!"

Paano ba ako napunta sa sitwasyong ito? Paano ba nangyaring parang ginagawa akong laruan nang tukmol na ito?

"How about this one?"

Nakahanap rin naman ako ng mga damit na sa tingin ko ay bumabagay sa akin.

"Better. Now choose three more"

"Wow..ang yabang mo talaga"

"Ano yun?"

"Wala..ang gwapo mo sir..grabe.."

"Ooppsss... bawal na bawal kang mahulog sa akin.."

Wow. Napatulala ako dun ha. Tinitigan niya lang ako. From head to toe. Parang biglang may nagbago sa awra nang monster na ito. Hanggang sa maging awkward na ang moment na yun.

"Ah..okay na ako sir.. okay na to.."

Papaalis na sana kami nang mapansin kong namumutla si Edward. Nilapitan ko siya at tinabihan sa kinauupuan niyang sofa.

"Sir? Okay ka lang ba?", bigla akong nag alala sa kanya.

Hinawakan niya lang ang kamay ko nang napakahigpit. Di ko akalaing sa oras na yun ay sobrang sakit pala ng buo niyang katawan.

"Ed? Edward.. tignan mo ako. May masakit ba sa iyo?"

"A..ayos lang ako Morgan.."

"Please.. sabihin mo.. anong masakit sa iyo?", I was in genuine panoc deep inside kasi naramdaman kong bigla niya akong kinailangan habang hawak niya ang mga kamay ko.

"O..okay na.. okay na Morgan.. umuwi na muna tayo.."

"Okay.. uuwi na tayo. Kaya mo pa bang tumayo?"

*****

(Ed's POV)

Six thirty sharp. I was asleep for many hours since kanina sa mall. Siguro binigyan ako ng gamot ni Morgan para mawala ang sakit at marelax ako. Bumangon ako ng dahan-dahan nang makita kong nasa tabi ng kama pala si Morgan nakahawak pa sa aking kamay at nakatulog rin.

"You're not supposed to sleep at work", bulong ko sa kanya na siya namang nataranta nang mahuli siyang natutulog.

"Hindi ako tulog ha. Binibilang ko lang pulse rate mo"

"Talaga lang ha.."

"Oo promise"

"Okay sabi mo eh"

"Kumusta naba pakiramdam mo? Okay naba?"

"Yup. I'm fine. I do have a question though"

"Ano po yun sir?

"Hanggang kailan mo gustong hawakan ang kamay ko?"

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon