CHAPTER XV

1.1K 94 10
                                    

"Ate? Wala pa po ba si Ed?", tanong ko kay yaya na busy sa pag iihaw ng mga pagkain namin nang mapansin kong halos wala pa rin si Ed matapos ang dalawang oras.

"Di niyo po ba siya kasama sa pagligo niyo ma'am?"

"Di po no!", I sounded defensive.

"I mean, hindi po kami magkasamang naligo sa dagat po. Saan kaya nagpunta yung tukmol na yun??"

"Baka po nag cliff diving na naman si sir Ed ma'am, mahilig kasi yun sa mga delikadong bagay", nakangising sagut ni yaya na nagpapaypay parin sa mga iniihaw niya.

"Ha?? Cliff diving?? Nako!! Mapapatay ko talaga yun!!"

Dali dali na akong tumakbo kung saan may mga malalapit na pwedeng mag cliff diving. Pag tumalon talaga yung tukmol na yun paatayin ko talaga yun.

Nang maakyat ko na ang isang site na pwedeng talunan ay nakita ko na si Ed. Nakatitig lang siya sa napaka asul at napakagandang dagat. Nakaupo lang siya. Halatang di pa naliligo dahil tuyo pa rin siya.

Nawala na ang pangamba ko. Akala ko naman ay tumalon nato sa dagat. Ako yata ang unang mag papanic kung sakaling ginawa niya yun.

Nilapitan ko nalang siya at tumabi ako sa kanya kahit basang-basa pa ako.

"Ahm.. kain na tayo Ed"

"Alam mo bang gustong-gusto kong tumalon diyan ngayon?", may lungkot sa tinig niya.

"Sorry talaga Ed, di talaga pwede sayo eh.."

"I know. Kaya nagagalit ako sa sarili ko ngayon.  At nagagalit ako sa taong gumawa sa akin nito. Sa taong nag iwan sa akin at nagdulot ng sakit na ito sa akin!"

Malumanay niya yung sinabi sa akin. Pero ramdam na ramdam ko ang galit niya. Pati nga ako nasaktan dun sa mga sinabi niya.

"Ed.. wag mong sisihin ang sarili mo.."

"Hindi lang sarili ko ang sinisisi ko Morgan, pati na yung babaeng kaisa isa kong minahal na pinabayaan ako, sinisisi ko tong lahat sa kanya"

"A..ano bang.. pwede kong maitulong?"

"Wala.."

Mapait ang pagkakasabi niya dun.

"Wala ba talaga?"

"Pabayaan mo muna ako Morgan''

Seryoso siya. Tahimik lang siya, kalmado ang mukha pero alam mong nagpupuyos siya sa sama nang kanyang loob. Di ako makapagbiro o kaya'y mang asar kasi alam kong di niya gustong kulitin ko siya ngayon.

"Okay sige ganito nalang Ed"

Tumayo ako.

Shit. Parang mapapahamak ako sa gagawin ko ha.

"What now Morgan? Di ba sabi ko umalis ka na muna?"

"Kung di na pwede sayo, ako.. ako nalang ang gagawa para sayo"

Walang kumibo sa amin.

Shit. Ano ba talaga ang gagawin ko??

"No. No way.. you're bluffing Morgan..", unti-unti siyang tumatawa habang sinasabi yun sa akin.

"Well, ibahin mo ako Ed. I don't bluff"

At bigla ko nalang naisipang tumakbo at tumalon sa napakaganda at napakataas na bangin.

Ilang segundo pa bago ako tuluyang mahulog sa dagat.

Sumubsob ako sa ilalim nang dagat. Napaka lamig. Nakakatakot. Nakapangngingilabot.

Pero nung umahon na ako at nakita kong pumalakpak sa bilib at tumatawa si Ed, napangiti na rin ako.

Ang sarap pala sa pakiramdam.

Ang sarap pala sa damdaming nakikita siyang masaya at tumatawa.

Relentless (A MayWard FanFic Story) COMPLETED #Wattys2019Where stories live. Discover now