WITH A SMILE by Eraserheads

Începe de la început
                                    

May nilabas siya mula sa bag niya, naglabas siya ng pamasahe. Ahy, yan naman ang meron ako. Sinigurado kong nadala ko yung wallet ko.

Maglalabas na sana ako ng pamasahe.

“Wag na, ako na ang magbabayad,” pigil niya sa akin.

“Ang bait mo naman. Sana gaya mo na lang lahat ng lalake... yung hindi nambabara.”

“Ahaha... sana nga...”

3 minutes pang tumakbo yung usad pagong na jeep. Soooo late na talaga ako! Grabe!

“Thank you ha? Ba-bye na! Gaganti na lang ako sa kabutihang loob mo kapag nagkita ulit tayo! Ba-bye!” di ko na hinintay pa yung sagot ng lalake. Next time na lang ako manlalandi, kelangan ko lang makarating sa classroom ngayon.

Pagdating ko dun ay sinalubong ako ni Mayet, classmate ko, “bakit hingal na hingal ka?”

“Nagtanong ka pa eh late na ako!”

“Gaga ka pala eh walang teacher ngayong umaga! Nakinig ka ba sa announcement kahapon o hindi?!”

Laglag ang panga ko.

Pumasok kami sa classroom. Totoo nga, wala yung teacher namin. “Alam, mo, Dimple, masyado ka ng tumatanda. Ulyanin ka na tuloy.”

“Che. Di mo man lang ako tinext. Nagmadali pa man din ako!”

May kumatok sa pinto ng classroom, Officer yun, “Dimple, pinapatawag ka ni Superintendent.”

“Ha? Anong kasalanan ko? Na-late lang naman ako ng ilang minuto ah!” sino ba anman ang hindi matatakot eh first time kong mapapatawag sa guidance office?!

”Ang OA mo. Punta ka na lang daw.”

“Ipagdasal mo ako, Mayet. Na sana hindi ako makick out, paano na lang ang pamilya ko? Mayet!”

“Bahala ka nga, over ka.”

Tatawa tawang iniwan niya ako.

Binuhat ko na ang bag ko habang patuloy na nagdarasal sa isipan ko. Pagdating ko sa guidance office ay siya namang saktong paglabas ng mga estudyanteng may fraternity. Pinagalitan siguro ni superintendent. Omo?

Baka pinagkamalan niya akong may sorority? Waaaahhhh!!

Huminga ako ng malalim bago pumasok. Pagpasok ko ay naglitanya agad ako, “sir, wala po akong kasalanan. Hindi lang po talaga tumunog yung alarm clock ko kaya na-late akong nagising. Tapos mabagal pa po yung jeep. Sobra po talaga. Pagkatapos po, wala po akong ginawang labag sa patakaran ng eskwelahan. Mabait po ako, kahit tanungin niyo po sa mama ko, sa papa ko na nasa heaven na ngayon, sa ate ko na nakipag-asawa na at maging sa mga lolo’t lola ko,” nagsign of the cross ako, “patawarin nawa sila ng Panginoon. Pero, sir----“

“Cut, miss del Castillo, hindi kita pinatawag dito dahil sa mga bagay na iyan,” natatawa pang pigil sa akin ni Sir.

“Hindi po dahil doon?”

“Hindi.”

“Eh ano po pala?” kinabahan naman ako doon. Akala ko kung ano na!

Lumingon siya, sumama na rin pati paningin ko, mula sa pintuan ng CR ay lumabas yung---lalakeng may suklay! “He’s my nephew, Miguel.”

“Po? Wala po akong ginagawang masama sa kanya! Pinahiram lang po niya ako ng suklay kanina tapos nilibre niya po ako ng pamasahe!”

Song-inspired Single Shot StoriesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum