CHAPTER SIXTY-ONE

362 26 0
                                    

Taliyah Point of view

NANDITO kami ngayon ni Bailey sa garden ng school inaayos na nila yung mga gamit nila for photoshoot, samantalang kami naman ni Bailey nandito sa may tent dahil naayusan na kami pareho.

"Bakit wala ka pala sa canteen kahapon? Hinihintay ka kasi namin." Tanong nito sa akin.

Naglalaro ako kaya tinigil ko muna ang paglalaro at humarap sa kaniya.

"Nasa clinic ako hinimatay kasi si Aubrey kaya dinalaw ko muna sandali at sinamahan sa clinic." Sabi ko.

"Hala!? Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin? Ano kamusta naman daw siya?" Natataranta halos na sabi nito kaya hindi ko maiwasan matawa.

"Okay na magpapa-check up na siguro siya ngayon," sabi ko pagkatapos matawa.

"Saya mo masyado," sabi nito sa akin.

"Nakakatawa ka kasi eh. Hindi ko napigilan matawa sa reaksyon mo." Sabi ko rito.

"Nag alala lang ako kasi kaibigan ko siya, mahalaga siya sa akin." Sabi nito kaya napangiti ako.

Sweet at caring sa kaibigan. Sana hanggang dulo.

"Sana ayos lang siya," dugtong nito na halatang nag aalala talaga dahil sa tono ng boses nito.

"Ayos lang siya, tiwala lang."

Nag usap na lang kami at ilang minuto lang din ay nagsimula na kami suot ko ang isang uniform namin may simple make up lang ako sa mukha ko as in parang school make up lang siya, sa una solo lang kami ni Bailey tapos next ay dalawa naman kami ni Bailey habang magkasama.

Second shoot namin ay naka t-shirt ako na may nakasulat na Ms.Campus 2018 tapos si Bailey naman ay Mr. Campus 2018 suot ang sash at korona kasama ang trophy ko, syempre una muna ay individual shot tapos pagkatapos sa individual ay dalawa na ulit kami.

Third naman ay naka-dress ako na black na may design na flowers isa siyang simple dress lang si Bailey naman naka-polo siya tapos black pants naka-heels na ako ngayon kanina kasi ay naka-rubber shoes lang pero hindi naman mataas siya mga 3 inches heels lang kailangan din kasi na maganda rin sa baba kasi whole body siya buti kung half body lang.

Jeje kung rubber shoes tapos dress. Ganda ng taas pagdating sa baba nevermind.

And sa last naman ay isang long gown iba siya sa suot ko noong laban ko hindi kasi ako nanalo sa long gown yung isa ang nanalo hindi ko alam name niya ang suot ko ay isang simple gown siya naman color silver and red tapos may design na diamond sa gitna tube siya as in simple lang siya para akong a-attend sa isang grandball sa suot ko pagkatapos ng ilang minuto ay natapos kami kaya naman nagbihis na ako ng suot ko papunta rito, maaga pa lang 11 pa lang dahil sa tinatamad ako umuwi hindi muna ako uuwi at kakain na lang muna 'ko.

Nagutom mga alaga ko.

Pagsapit ng alas dose ay naisipan na namin umalis ni Bailey kakain daw kami sa may eat all you can libre naman daw niya, nag-commute lang kami papunta roon kasi hindi naman daw masyadong malayo.

Nandito na kami sa eat all you can nagulat pa ako kasi masyado siyang madami mauubos ba namin yan para naman kami nitong bibitayin na akala mo rin ay hindi kami nakakain ng isang buwan.

Grabe, nakakalula sa sobrang dami.

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Bailey.

"Nagtataka lang ako ang dami pala niya, mauubos kaya natin 'to?"

"Ewan ko nga rin,"

"Hayaan mo kapag may tira take out na lang natin,"

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat