CHAPTER FIFTY-THREE

357 26 0
                                    

Jasmine Point of view

PABALIK na kaming lahat sa mga susunod na klase namin at salamat kay Paula at dinala na niya yung bag ko para sa next class namin kaya hindi na ako nahirapan. Nakakainis pa kasi bakit biglaan na bukas agad may rehearsal na kami, grabe kayanin kaya ni Taliyah yun nag alala kasi ako sa kaniya kakagaling niya lang sa lagnat baka mapagod tapos mas tumagal pa ang recover pero syempre dahil Taliyah siya hindi ako mananalo sa kaniya may pinaglalaban siya hindi rin ako mananalo kaya hindi na ako makikipagtalo.

At the end talo ako kaya wag ko na simulan.

Yung tipo na hindi ka pa nagsisimula, talo ka na agad.

Wag gano'n mapanakit eh.

Paakyat na ako sa next class ko, nagpunta na kaming tatlo sa kaniya kaniya namin na building. Si Joaquin at Bailey ang malayo ang building sa amin at ako ang malapit sa canteen or clinic kaya anytime puwede kami kumain kasi malapit lang sa amin. Pababa na 'ko at malapit na sa room ng may nakita akong babae na nakayuko at umiiyak, jusko late na ako sa class ko isang oras na lang ako papasok roon pero kasi baka may mangyari sa kaniya na masama o gawin siya na hindi maganda konsensiya ko naman kasi nakita ko siya wala akong ginawa laging nasa huli ang pagsisi.

Bahala na nga.

Magpagpapaliwanag na lang ako bakit ako late, agad akong naglakad palapit sa kaniya tumabi na rin ako sabay hawak sa balikat niya, bigla na lang kasi siya yumuko siguro naramdaman niya na lalapit ako sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito iwan mo na ako pare pareho lang naman kayo na iiwan ako sa huli, lagi niyo na lang ako sinasaktan." Sigaw niya habang umiiyak siya, hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya kakausapin magbibigay ng advice sa kaniya lalo na pinagtatabuyan pa ako pero anong turo sa 'kin ni Iya dapat kapag tutulong ka bukal sa puso at dapat ma-appreciate niya yun para valid yung pagtulong mo,

Kaya mo yan Jasmine. Ano ba ang dapat ko sabihin  sa kaniya na makakatulong, kailangan matulungan mo siya wag ka susuko figt lang ng fight.

"Wag ka mag alala hindi kita iiwan, nandito ako handang makinig sa mga sasabihin mo." Sabi ko sa kaniya.

Bigla na lang siya umupo ng maayos at humarap sa 'kin na halatang umiiyak pa rin.

"Bakit? Hindi naman tayo magkakilala hindi naman tayo close bakit ako magkukuwento sa'yo."

"Sabihin na natin na hindi tayo close, tulong na lang ang itawag mo sa ginagawa ko sa'yo. Isa pa mas maganda magkuwento sa hindi mo kakilala no judgment."

Nagulat ako ng umiyak siya at yakapin niya 'ko ramdam ko yung sakit yung bigat ng nararamdaman niya at halatang susuko na siya sa buhay at sa problema na kinakarap niya.

Sana malagpasan mo.

"Sige iiyak mo lang yan kung saan mababawasan yung sakit at ang problema mo, wag ka mag alala nandito pa rin ako para makinig sa sasabihin mo sige lang iiyak mo muna tapos kapag handa ka na magkuwento ay nandito lang ako na handa makinig at tulungan ka." Sabi ko.

Hindi siya nagsalita umiiyak pa rin siya kaya naman ay niyakap ko siya ng mahigpit kasi alam ko ito ang kailangan niya ngayon lalo na ang kaibigan at mapapaglalabasan ng mga nararadaman niya at tama ako ng desisyon na damayan siya ngayon bahala na si Paula magsabi bakit wala ako pero ang mahalaga ay nakatulong ako mapapagaan ko ang kalooban niya kahit papaano kahit saglit lang mawala maramdaman niya at maramdaman nito na hindi siya nag iisa.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now