CHAPTER FIFTY-ONE

334 27 0
                                    

Jasmine Point of view

UWIAN na namin ngayon nauna na sa akin si Aubrey si Joaquin at si Bailey napag alaman kasi namin na hindi pumasok si Taliyah hindi ko rin alam bakit tinatawagan ko hindi niya sinasagot kahit kaninong tawag sa amin hindi niya sinasagot kung anong dahilan hindi rin namin alam kasi kanina pa siya wala sa mood tahimik at hindi mo makausap minsan tahimik siya pero kanina parang wala talaga siya sa mood niya maayos naman siya kahapon nung magkakausap kami, siguro ay tanungin ko na lang si Aubrey.

Habang papunta kami sa Parking lot ay bigla na lang namin napag usapan si Taliyah.

"Bakit kaya bigla na lang nag iba ang mood ni Taliyah." Tanong ko kahit alam ko miski isa sa amin hindi rin alam ang sagot.

"Hindi ko rin alam kanina pa pagdating niya sa canteen iba na talaga." Sabi pa niya

"Sana okay--"

Naputol ang sasabihin ko ng mag-ring ang cellphone ko.

Si Joaquin tumatawag.

"Sandali may tumawag sagutin ko muna 'to." Sabi ko.

"Hello," mahinahon kung sabi.

"Punta tayo sa bahay nila Taliyah saan ka na ba?"

"Papunta na sa Parking lot kakalabas pa lang namin.

Sino ba kasama mo?"

"Si Paula parang hindi alam tagal na natin magkakasama tol."

"Joke lang yun, sige na hintayin na lang namin kayo rito."

"Sige bye,"

Pinatay ko na yung tawag niya at lumapit na kay Paula.

"Sino yun?" Tanong ni Paula naglalakad na kami pababa ng hagdanan.

"Si Joaquin atsaka sama ka raw punta sa bahay nila Taliyah." Tanong ko sa kaniya

"Sige ba, tara na para hindi tayo pare parehong gabihin." Sabi pa niya.

Hindi na ako nagsalita pa kaya nagmadali na kami sa pagpunta sa may Parking lot, ready na ako sa pakikinig sa rants ni Iya at sa problema niya.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Taliyah at hindi si Taliyah ang naabutan namin kung hindi  si Nathalie at yung nanay niya kung nasaan yung dalawa hindi ko alam.

"Nasaan po si Iyah tita," tanong agad ni Aubrey.

"May lagnat siya, maaga siya umuwi kanina masama raw ang pakiramdam niya." Sabi ni tita.

"Hindi po niya sa 'min sinabi yun akala po kasi namin pumasok siya sa afternoon class niya." Sagot ko.

"Badtrip din kasi siya sa morning class niya napa-guidance raw siya dahil lumilipad ang utak habang nasa unang klase siya, tapos nainis siya kay Kate sa pagpaparinig daw kaya naging bad mood tapos sumama pa ang pakiramdam kaya umuwi siya." Sabi ulit ni tita

Nagkatinginan kaming lima so meaning masama ang pakiramdam niya at the same time bad trip siya kaya pala wala talaga siya sa mood.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now