CHAPTER FIFTY-EIGHT

356 23 0
                                    

PABALIK na kaming lahat sa classroom namin habang kami ni Aubrey ay magkasamang papunta sa klase namin kahit wala naman prof na papasok sa amin. Pagdating ko rito sa room ay yumuko na lang ako at wala naman akong gagawin atsaka ayoko muna makipagkuwentuhan ngayon tinatamad ako tapos si Aubrey naman siguro naglalaro siguro naman siya habang naka-earphone samantalang ako naman ay nag earphone lang habang nakayuko rito sa may upuan.

Papunta na ako ngayon court maaga kasi kami mag uumpisa alas dos at buti na lang talaga anong oras na 'ko pumasok kaya heto hindi pa ako masyadong mabaho may baon naman akong damit nung nakaraan kasi alas kuwatro kami nag umpisa kaya masyado ako ginagabi hindi naman ako napapagalitan kasi alam naman ni mama yun atsaka mga kapatid ko excited na rin sila sa laban ko.

Ma excited pa sila kaysa sa akin, sila na lang lumaban.

Since wala pa naman yung mga kasama ko ay hindi ko rin alam kung nasaan sila kaya naisipan ko muna magpunta ng canteen para kumain, ilan pa lang din kami na nandoon bahala sila sa buhay nila malalaki na sila habang papunta ako sa canteen nakangiti pa rin ako katulad ng mga students na nadadaanan ko.

Nakarating na 'ko sa may canteen mag isa lang akong kumakain habang kumakain ako ay napansin kung madami rin pala ang nandito students na kumain at masayang nagkukuwentuhan. Hindi ko na lang sila pinansin pa at nag umpisa na ako kumain habang nanonood ng mga video about sa mga love story.

Pagkabalik ko ay pasimula na sila nag aayos na sila kaya naman nagmadali na 'ko sa pag aayos para makapila na rin ng makapag umpisa na kami, nagsimula na kami mag-rehearsal onti onti na rin akong nasasanay ngayon kada practice namin ngayon kasi hindi na ako nadadapa o di naman natitisod at sa marami pang klase ng katangahan ko, ngayon confidence na ako haharap at maglalakad sa maraming tao.

Panindigan ko na confidence ako.

Makalipas lang rin ang isang oras ay nagpa-water break yung nagtuturo sa amin kaya naman pumunta na ako sa mga gamit ko roon din pala nilagay nila Bailey yung gamit nila paglapit nila ay umupo sila samantalang ako naman ay uminom muna nakalimutan ko uminom kanina nung kumain ako kaya sinisinok ako.

Nakakahiya.

"Saan ka galing?" Tanong ni Jasmine.

"Sa canteen lang bess," tipid kung sagot.

"Nagutom ka samantalang kakain lang din natin," sabi ni Jasmine.

"Gano'n talaga ako bakit ba," sagot ko.

Hindi na siya umimik pa kaya naman hindi na rin ako umimik pa, ilang minuto lang din ang nakalipas ay nagtawag na yung nagtuturo na magpa-practice na raw kami kaya naman tumayo na kami at nag umpisa na ulit mag-practice.

Sa wakas tapos na kami pauwi na ako ngayon mag isa lang ako sa pag uwi maaga naman kami natapos  kaya keribels na rin dadaan na muna ako sa 7/11 para makakain naman ako ewan ko ba bakit ba ginugutom ako kumain ako ng 12 tapos 2 tapos ngayon na naman ilang oras pa lang ang nakalipas kasalanan kasi ng mga alaga ko 'to eh.

Nandito ako ngayon sa may 7/11 habang kumakain at nakapuwesto rito sa may labas pero bigla na lang akong may napansin na taong pamilyar sa akin nagulat ako kasi hindi ako puwedeng magkamali na si Nathalia 'to habang may kasamang lalaki, sino naman kaya yun pero infairness guwapo siya makalipas ang ilang minuto ay nakita kung palabas na yung dalawa at umupo sa may harapan ko kaya naman tumayo na ako at tumabi sa kanila kaya naman ganoon na lang ang gulat nila sa 'kin.

"Atee!? anong ginagawa mo rito?" Natatarantang sabi ni Nathalia.

"Kumakain, aba masama ba kumain atsaka sa'yo ba 'to atsaka ikaw bakit may kasama ka sino siya?" Pananakot ko.

"Lawrence po pala," pagpapakila nito.

"Wow!? guwapo mo pala by the way Taliyah ate ni Nathalia." Sabi ko.

"Nabanggit po kayo sa 'kin ni Nathalia ang ganda mo po pala sa personal sa picture ko lang po kayo nakita." Sabi niya.

"Iba rin bolero ka pala," sabi ko.

"Hindi po, prangka po 'ko." Sagot niya

Ba't nagagalit?

"Ate? nasaan ba ang kasama mo?" Biglang tanong ni Nathalia na halatang nahihiya.

"Wala may nakikita ka ba na kasama ko?" Sabi ko

Natawa si Lawrence sa amin pero deadma lang si Nathalia.

Infairness din bagay sila after all.

"Ewan ko sa'yo ate," sabi ni Nathalia.

"Kumain na lang tayo," sabi ko.

Kumain na lang kaming tatlo habang nag uusap sa mga bagay bagay nakakatuwa lang na nakausap ko na rin si Lawrence buti na lang talaga, napansin ko rin na ang bait niya tapos sobrang galang pa at isa pa alam ko naman if ever kapag naging sila hindi niya sasaktan 'tong si Nathalia hindi naman halata sa mukha niya.

Pauwi na kami ngayon ni Nathalia sabay kami ngayon sa paglalakad papunta sa bahay habang nag uusap kaming dalawa.

"Infairness sis magaling kang pumili," natatawang sabi ko.

"Syempre naman po kanino ba ako magmamana, syempre sa'yo ate,"

"Naks naman, nasa tamang landas ka."

"Syempre ate ikaw idol ko pagdating sa pagpili kasi alam ko alam mo ang nakakabuti sa akin."

"Proud ate here,"

Natawa na lang kaming dalawa, nakakatuwa lang isipin na naging inspirasyon ako ng mga kapatid ko kaya mahal na mahal ko sila kasi mahal na mahal nila 'ko.

Makalipas lang din ang ilang minuto ay nakarating na kami nagpahinga muna ako samantalang si Nathalia naman ay aakyat na raw si Nathalie ay tulog na si mama naman nasa may bahay ng kapatid niya kaya tatlo lang kami ngayon kaya umakyat na rin ako para makapaghugas at makatulog na rin dahil napagod ako ngayon super ultramega talaga.

I'm really tired.

Makalipas lang din ang ilang minuto ay natapos na ako nandito ako ngayon sa  kuwarto at nakahiga lang nagpapahinga muna ako bago ako matulog hindi pa naman ako dinadalaw ng antok mag aayos na dapat ako ng higaan ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Pasok," sigaw ko.

Kaya naman pumasok na si Nathalia na nakabihis pantulog at dumeretsyo sa kama ko na kakaayos ko pa lang din.

"May kailangan ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Ano po kasi hihingi po ako ng advice sa inyo if okay lang naman po."

"Nahiya ka pa sa 'kin sis, wag ka na mahiya sa 'kin sandali ilalagay ko muna sa may labahan."

"Sige po ate,"

Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba para ilagay yung mga damit na madumi pagtapos ko ay umakyat na ulit ako nakita ko si Nathalia na nakahiga sa kama ko kaya pumasok na lang ako at umupo sa may tabi niya habang siya naman ay umayos ng pagkakaupo niya sabay hinga ng malalim.

"Kasi po ate, nanliligaw po si Lawrence hindi ko po alam anong gagawin ko." Sabi pa niya.

"Kasi first time nangyari sa'yo kaya hindi mo alam I feel you sis."

"Ano po ba ang dapat kung gawin?"

"Alam mo kasi sis hindi minamadali ang love dapat dahan dahan lang yan ang dapat gawin mo hayaan mo na muna syempre kailangan masiguro mo muna yung feeling mo sa kaniya bago mo siya sagutin kailangan sigurado ka na sa nararamdaman mo tapos handa ka na sa lahat."

"Handa po ako masaktan, iwan o kahit ano pa po na klaseng nararamdaman."

"Tama sis,"

"Sige po ate salamat po,"

"Sige goodnight na sis sleepwell,"

"Ikaw rin po ate bye po,"

Tumayo na siya at lumabas na sa kuwarto kaya naman ng ayos na 'ko at humiga.

"I hope nasa tamang tao ka Nathalia," bulong ko bago ipikit ang mata.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon