CHAPTER FOURTEEN

748 35 0
                                    

Mark Point of view

NAPAGDESISYUNAN ko makipagkita kay Taliyah, by the way I'm Mark Rosales ex ni Taliyah. Ayun makikipakita ako dahil gusto ko na kasi maka-move on about sa mga nangyari sa aming dalawa, nakakalungkot na wala na talagang pag asa magkaroon ng second chance yung story namin. Haist okay lang yun makausap ko lang si Taliyah about sa lahat ay ayos na ako at makakabangon na ako ng maayos. Nag ayos na ako kasi ngayon na kami mag memeet ni Taliyah gusto ko na mapatawad niya ako at matanggap ko na wala na talaga kami kasi ang tunay na ending namin is break up baka nga talaga hindi kami ang para sa isa't isa. Matagal ko na tanggap ayoko lang talaga maniwala.

Taliyah Point of view

Nandito kami ni Mark sa may fountain, nakakainis at the same time naawa ako sa story namin ayoko na talaga pumunta kaso gusto ko rin naman maayos yung past naming dalawa nakamove on na ako oo totoo yun pero hindi ko pa rin tanggap siya sa buhay ko naging bitter ako at hindi na muli nagmahal kasi hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit gano'n ang nangyari sa past sa love story namin.

"Okay, let's make it clear after all sa ating dalawa sabihin mo na lahat ng gusto mo sabihin habang magkasama pa tayo para naman pareho na tayo makalaya sa nakaraan." Sabi ko.

Huminga siya ng malalim bago siya humarap sa akin.

"Mahal kita, hanggang ngayon ay pinagsisihan ko pa rin yung ginawa ko sa 'yo pero mas pinili ko yung tao na iiwan din ako at lolokohin, iniwan ko yung tao na minahal ako ng higit pa sa inaasahan ko, alam ko matagal na yun 2 taon nang nakalipas pero kasi kapag nakikita kita naiisip ko pa rin yung ginawa ko, nakokonsensiya ako kahit sinabi mo na ayos na para sa 'yo pinatawad mo na ako pero kasi para sa akin ang hirap lang kasi tanggapin  na wala na talagang tayo wala na akong babalikan at wala ng second chance yung love story nating dalawa." Sabi niya.

After what happen sa amin after ko siya makausap about sa past namin napatawad ko na sila ni Christine moving forward na ako sa mga nangyari sa amin kasi past na yun hindi ko nakalimutan pero hindi ko na iniisip yung past ko iniwan ko na yung alaala na yun sa past ko.

"Okay, patawarin mo ang sarili mo for what happen sa past nakaraan na yun hindi na yun magbabago pa atsaka kaya mo ako kinausap kasi gusto mo ayusin ang nakaraan di ba? Kung nakokonsensiya ka wala ka na dapat pagsisihan pa kasi napatawad na kita ayos na tayo pareho, siguro hindi na talaga tayo ang para sa isa't isa kasi tadhana na ang nagdesisyon sa atin alam ko makakahanap ka rin sa tamang panahon matuto ka ng pahalagahan yung tao na alam mo mahal ka, wag ka na ulit uulit sa nangyari sa lovestory nating dalawa, remember may pag asa ka pa para magmahal at magbago makakahanap ka pa ng mas better sa akin, baka hindi talaga tayo ang nakalaan para sa isa't isa." Sabi ko.

"Okay, wala na pa lang chance kailangan ko nga talaga magmove on ngayon okay sisimulan ko na talaga." Sabi pa niya.

"Simulan mo na talaga, kaya ikaw maghanap ka nang liligawan mo sasapakin talaga kita kapag nauna pa ako sa'yo magkalovelife talaga naman bitter ka pa rin." Natawa na lang siya sa akin.

Hindi na kami nag usap pa kaya napagdesisyunan namin umalis dahil balak namin manonood ng sine at libre niya raw kaya umuoo ako pero bago kami manood ay naglakad muna kami para maghanap ng kakainan.

Never stop learning, because life never stops teaching. Isa sa mga motivational quotes ko na gusto ko, wag ka susuko na matuto kasi ang buhay ay hindi tumitigil turuan tayo ng tama at itama ang mali at turuan tayo paano mas lumaban at maging matatag humarap sa buhay yun ang aking natutunan sa buhay desisyon ko ang magpatawad at magsimula ulit at hintayin ang nakalaan para sa akin.

♡︎♡︎♡︎♡︎

Busy ako sa pagbabasa ng mga confession sa facebook dahil inspired ako sa mga story ng pag ibig nila ng biglang mag-ring ang cellphone ko kaya tiningnan ko ang caller at napansin si Bailey kaya sinagot ko habang nagpapatuloy sa pag-i-scroll sa laptop.

Yes? Hello anong mayroon?

Nothing, gusto kasi makipag usap sa'yo ng ex ko si Rose may gusto atang linawin at sabihin sa 'yo are you free tomorrow morning?

Bakit ako!? Akala ko ba ayos na kayo bakit nasama naman ako sa story niyo.

Anong eksena ko sa story nila? Ba't nasama pa 'ko. May sira ata sa ulo ang isang yun at bigla akong kakausapin.

Kailan kami naging close?

Okay sa susunod na lang pala, wag na ngayon sige na bye.

Okay fine bye.

Pinatay na niya yung tawag sa akin samantalang nagpatuloy ako sa ginagawa kung mag-scroll up and down level 199 na ako rito kaya ayoko nag-o-online kasi wala naman akong ka-chat.

Nung magsawa ako sa ginagawa ko dahil wala rin naman akong napala ay nag out na ako at kinuha yung book kasi malapit na ako matapos sa pagbabasa ko mga limang page na lang ilang minuto lang din ay natapos na ako sa wakas.

Makakabasa na ulit ako ng bagong story.

Isa na lang tapos na ako sa pagbabasa kaya kailangan ko na magbasa ulit ng story novel since wala pa akong book na wattpad dahil hindi pa ako nakakabili pero sa susunod bibili ako para mayroon naman ako kahit papaano.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay bumaba naman ako para kumain dahil nagugutom na talaga ako kaya kumain ako bago ako natulog pero nagugutom pa rin ang mga alaga ko kaya nagmadali na akong naglakad pababa sakto naman naabutan ko sila mama na kumakain na rin kaya umupo na 'ko.

"Akala ko mahimbing ka na natutulog kaya hindi nakita pinagising kasi alam ko pagod ka sa pag aaral mo. Ano ba kasi ang ginawa mo?" Tanong ni mama habang sinasandok ang pagkain ko.

"Tamang pagbabasa lang po," walang pagdadalawang isip kung sagot.

"Seryoso ate, natapos ka na sa mga book mo?" Tanong ni Nathalia.

"Isa na lang be, ikaw tapos ka na pahiram ako nung sa 'yo." Sabi ko.

"Sige ate, tapos na ako sa mga yun." Sabi ni Nathalia.

"Wow ang--" natigil ako ng magsalita rin si mama.

"Kumain na tayo, wag na kayo mag usap mamaya na lang." Sabi ni mama

Nag umpisa na kami kumain dahil sabi nga ni mama kumain muna raw kami kaya kumain kami habang tahimik lang ayaw kasi ni mama ng maingay kapag kumakain.

Makalipas ang isang oras ay sa wakas tapos na kami. Naghuhugas ako ng pinggan dahil sa akin 'to natoka kaya tinapos ko muna yung mga gagawin ko bago ako naglakad pabalik sa kuwarto.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now