CHAPTER THIRTY-SIX

406 27 0
                                    

PAPASOK na ako ngayon sa  room para sa exam day, iniinom ko yung gatas kasi hindi na ako nakakain ng almusal dahil sa lecheng alarm clock yan hindi man lang tumunog, ewan ko ba kung bakit hindi siya tumunog kung anong dahilan hindi ko alam. Siguro kailangan ipaayos ko muna para malaman ko ang sira niya o kaya naman kapag tinamad ako cellphone na lang ang gamitin ko sa pag-a-alarm para tipid na sa gastos sa pagpapaayos.

Habang naglalakad ako ay sinasabi ko pa rin yung mga ni-review ko para mas matandaan ko siya habang naglalakad at busy ako sa pag-re-review hindi ko namalayan na may bigla na lang akong may nabangga hindi ko alam sino ang may kasalanan kaya ang ending ay nabuhusan ako ng cup noodles na beef.

What!? Paano ako nito sa exam hindi puwede na amoy ganito ako at sigurado akong pagtatawanan nila 'ko.

Kaya agad ko 'tong tiningnan para malaman kung sino ba 'tong nabunggo pero natameme ako habang gulat na napatingin kay Rose.

Shit! Siya pala.

"Ay be, sorry ha? Hindi ko sinasadya magpalit ka ng damit may extra akong dala nasa locker ko." Sabi ni rose.

"Sige sige,"

Bahala na mamaya na 'ko magpapaliwanag kung anong nangyari sa 'kin haist... Ayoko mapahiya ako at i-bully kaya okay ng ma-late kaysa pumasok na mukhang messy, sinamahan ako ni Rose pumunta sa may cr pero naiwan pa rin ako kasi kinuha niya yung extra blouse na susuotin ko.

Sana lahat may extra blouse.

Habang naglilinis ako ng sarili ko ay nagpapatuloy pa rin ako sa pagkakabisado sa mga inaral ko kagabi grabe naman 'tong nangyari sa 'kin pero sige laban lang kaya naman nagpatuloy na lang ako sa paglilinis ng bigla akong nagulat sa pagtapik ng isa sa mga ka blockmate ko na si Shiela habang nakangiti sa 'kin, isa siya sa mga hindi ko masyadong nakakausap kung ano ang dahilan hindi ko rin alam ang sagot sa sariling kung tanong.

"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong niya.

"Nabuhusan ako ng cup noodles pero okay na rin naman nagawan ko na ng paraan." Nakangiti kung sabi.

"Ahh, kamusta ka na pala?" Sabi niya.

Aba! Nangungumusta siya? Feeling close charot.

"Ayos naman din, same Taliyah noon at ngayon ikaw ba?"

"Ayos lang din naman atsaka may love life na rin ako." Nakangiting sabi nito kaya napangiti ako.

Sana all.

"Wow! Nice naman pala, good to hear. Masaya ako para sa'yo, stay strong."

"Thank you rin pala sa'yo, anyway una na ako at mag uumpisa na kami." Sabi pa niya.

"Sige, see you aroud." Sabi ko.

Ka-block ko siya sa ibang subject namin kasi ako sa Business siya sa Financial kaya sa iba lang kami block mate, pero seryoso I'm happy for her talaga kahit hindi kami gano'n close sa isa't isa.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na si Rose dala yung blouse pamalit kaya agad agad akong nagpalit pagkatapos ko ay nilagay ko na ulit sa locker yung basang blouse magkasabay kami ni Rose naglalakad papunta sa assign room habang nag uusap.

"Kamusta na pala? After what happen months ago." Tanong niya sa 'kin.

"Ayos naman din, napagpatawad na ako kaya okay na tayo."

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now