CHAPTER THIRTY

507 29 0
                                    

PAPUNTA na kami sa canteen kakatapos lang namin sa isang major subject at naalog ng sobra ang utak ko pero syempre laban lang kaya ayun nakapasa naman kahit papaano.

Susuka lang pero hindi susuko.

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami ni Paula, katulad nga ng pangako ko sa kaniya na ipapakilala ko siya sa mga kaibigan ko kaya sinama ko siya heto kami ngayon papunta na sa canteen dahil nauna sa akin yung mga yun ako na lang talaga ang kulang.

Natatanaw ko silang masayang mga nag uusap habang todo tawanan sila.

This barkada is really good. Masaya ang circle of friend na 'to. Mag eenjoy ako sa mga tropa ko na 'to.

Nagulat ako ng tumigil siya kaya hinawakan ko 'to at hinarap.

"Bakit?" Tanong ko rito.

"Nahihiya ako be, parang mukhang mataray." Sabi ni Paula.

Natawa na lang ako sa kaniya, mahiyahin din pala ang isang 'to.

"Ako bahala sa'yo tiwala lang," sagot ko.

Wala na siya nagawa kung hindi ang sumabay sa akin habang palapit kami sa kanila mas lalo lang kinakabahan si Paula pero hinawakan ko siya sa kamay para mawala yung kaba niya at hindi makaramdam ng pressure, pagdating namin banda sa lamesa namin naramdaman na agad ng barkada na nandito na ako I mean kami pala kasi dalawa kami.

"Uy, nandyan ka na pala may kasama ka rin pala. sino? Pakilala mo naman sa 'min." Sabi ni Aubrey.

"Si Paula, close ko sa mga ka block mate ko." Sabi ko.

"Hello Paula ako si Taliyah, si Aubrey, si Joaquin at Bailey." Pagpapakilala ni Taliyah sa kanila.

Buti na lang talaga at hindi na ako mahihirapan ipakilala siya sa kanila kasi ginawa na ni Taliyah.

"Hello nice meeting you po, sana maging close ko kayong lahat." Sabi ni Paula.

Nag hi rin yung iba sa kaniya pagkatapos ay nag usap usap na kami habang yung dalawang boys naman ang nag order, infairness naman din kasi sa kanila mga gentleman sila bilang na lang din kasi yung mga ganoon na klase ng lalaki kaya dapat pumili ka na para sure ang tagal niyo, nakakasawa rin ang iba't iba tipong nakaka-trauma pagkatapos nakakadala nagiging bitter tuloy kapag gano'n tapos nakakatakot na ulit magmahal.

Tips ko sa inyo find a man who will stay to you forever not just a temporary, at least in the end of your journey magkasama kayo.

Habang wala yung dalawang boys ay nag usap muna kami na mga girls sa iba't ibang bagay.

"Welcome sa pamilya namin Pau, feel free to talk bawal mahiyahin dito at mga mahinhin." Sabi ni Iya.

"Deadma sa iba Pau, ikaw kailangan makisabay sa kalokohan namin wag puro tawa." Sabi rin ni Aubrey.

"Nakakatuwa naman kayo, thank you sa pa-welcome naramdam ko agad na belong ako hihihi." Sabi ni Paula.

Cute.

"Wala yun, ano tuod ka riyan Jasmine wala ka ma-say?" Sabi ni Aubrey.

"Wala naman akong sasabihin, kayo na muna ang mag usap diyan." Sagot ko.

"Hayaan natin siya, tayo na lang ang mag usap usap sa mga bagay bagay." Sabi ni Aubrey.

Hindi na lang ako umimik pa, may ugali talaga ako na biglang tatahimik o kaya wala talaga ako sa mood ewan ko ba basta mood swing akong tao.

Thank you sa mga kaibigan ko na nakakaintindi sa ugali ko.

Makalipas lang din ang ilang minuto ay nakarating na yung dalawa kaya naman nag umpisa na kami sa pagkain habang nag uusap sila, samantalang ako heto kumakain lang talaga deadma na lang pero yung totoo hindi pa rin naman talaga ako nagugutom ewan ko ba basta mood swing talaga 'ko.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now