CHAPTER THIRTY-ONE

453 28 0
                                    

Aubrey Point of view

NANDITO kami na anim sa enchanted kingdom, biglaan kasi nagkaroon ng lakad at ang ganap namin ni Paula ay third wheel kaya kami na lang ang nagsama na dalawa, ayaw namin sumama sa dalawang couple moment nila 'yon kaya naisipan namin kami ang hahanap ng the one namin dito.

Heto kami sa may station ng mga food dahil gutom na kaming dalawa nakakagutom ang mga rides dito grabe ang saya lang talaga, habang kumakain kami ay nag usap kaming dalawa.

"Be ilang months ka na single?" Tanong niya.

"Matagal na be, hindi nga lang single baliw NBSB ako be ikaw ba?" Natatawang sagot ko.

"Ay grabe rin, buti pa ako 2 months single."

"Sige ikaw na nagkaroon ng jowa be, wag na tayo mag usap about do'n wala tayong gano'n hindi tulad nung dalawa."

"True! sana lahat,"

"You know para naman mahanap natin yung para sa atin, tara at mag ikot tayo habang nag iisip tayo ng dare para sa isa't isa."

"Sige go ako riyan exciting yan,"

Dali dali namin inubos ang pagkain para makahanap kami ng mga lalaking pagtitripan namin basta pakapalan lang yan ng mukha, maganda naman kami kaya for sure naman mapapansin ang beauty namin na dalawa, makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami naghanap kami ng spot namin at doon talaga kami pumuwesto sa may mga lalaki na nag uusap usap wala naman siguro silang mga girlfriend.

Atsaka kung mayroon hindi kami papakabog tandaan niyo yan mga besh, dapat mas matapang yung kabit charot pero seryoso wag kayo papakabog.

Nag umpisa na kami mag tost coin sa 'kin yung tao sa kaniya ibon ako muna ang tumira at kapag minalas ka naman nagkataon ay ibon kaya ako ang bibigyan ng dare atsaka mas masaya kapag puro dare mas nakaka-excite syempre ayaw namin maging third wheel sa mga kaibigan namin.

"Tanong mo name nung naka color white na may cup, basta kausapin mo siya ganern alam mo na kapag nagsungit dapat wag ka papakabog labanan mo rin." Sabi niya sa 'kin.

"Sige palag, manood ka para malaman mo." Pagyayabang ko sa kaniya

Basic ilang beses na ako gumawa ng kahihiyan ko kaya basic na lang para sa 'kin ang mga ganyan.

Best actress kaya 'to Audrey sakalam.

Dali dali akong naglakad papunta sa kanila napagtanto ko na anim sila wala na akong maramdaman na hiya basta kailangan ko kapalan ang mukha ko.

"Hello, What's your name?" Tanong ko sa lalaking tinutukoy ni Paula.

Nakita ko si Paula na tawang tawa habang todo cheer sa 'kin, well ganyan siya ka supportive.

"Blake ikaw ba?" Tanong niya rin sa'kin.

"Aubrey, nice meeting you." Sabi ko.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα