CHAPTER SIXTY

362 25 0
                                    

Taliyah Point of view

ISANG linggo na ang nakalipas after ng laban ko pero hindi pa rin ako nakaka-move on atsaka yung pagmumukha ko naka-tarpaulin sa may harap ng campus kami ni Bailey ang nanalo kaya hindi ako halos mawalan ng ngiti sa kakasabi ng congrats ng mga students sa akin everytime na makikita nila 'ko sa hallway o kahit saan pa na parte ng school na 'to. Nandito ako ngayon sa unang klase ko at busy ako sa pagsusulat habang nakikinig sa prof namin na nagdi-discuss.

Nasa may kalagitnaan kami ng discussion ng tumigil si ma'am kaya naman natigil din ako sa pagsusulat ko at napa ayos ng upo sabay tingin sa may pintuan may kausap kasi si Ma'am sa may labas kaya pala napatigil siya makalipas lang din ang ilang minuto ay pumasok si Ma'am at parang may hinahanap bigla na lang siya napatingin sa akin.

"Ms. Agustin makakaalis ka na," sabi ni Ms. Ramos.

"Huh!?" Sagot ko.

"Excuse ka na sige na,"

Kahit naguguluhan ay kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas sa classrom
pagkalabas ko nakita ko si Mrs. Sanchez siya ang principal namin.

"Bakit po?" Magalang kung tanong.

"May sasabihin lang ako sa inyo, if okay lang sa 'yo."

"Yes po,"

Naglakad na kaming dalawa papunta sa may office
pagkapasok namin doon naabutan ko si Bailey na nandoon kaya nginitian ko siya.

"Let's start para matapos na tayo," sabi ni Mrs. Sanchez.

"Okay, kaya ko kayo pinapunta dito ay dahil sa may announcement ako para sa inyo lang magkakaroon kayo ng pictorial sa saturday."

"Ah, sige po, saan po ba gaganapin?" Tanong ko.

"Dito lang din sa school," sagot niya.

"Sige po," sabi naman ni Bailey.

"Okay, sasabihan ko na lang kayo ulit para sa ibang details," sabi pa niya.

"Sige po thank you," sagot ko.

"Thank you po," sabi pa ni Bailey.

Bago kami umalis, nag-picture muna  kaming tatlo ilang shot lang naman siya tapos ay umalis na kami ni Bailey, paglabas namin ay dumeretsyo kami sa canteen kasi nagugutom na ako balak ko na lang na pumasok na lang sa second class tutal excuse naman ako sa klase ngayon.

Kakain na lang ako mas masarap kumain kaysa makinig charot. Katamaran attack me.

"Kamusta?" Tanong niya.

"Parang hindi tayo
nagkikita, malamang walang bago." Sagot ko.

"Malay ko ba di ba," sabi niya.

"Sapakin kita tapos tanong ko kamusta ka?" Sabi ko.

"Ay wag naman ganoon,"

"Okay,"

Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain kami habang napag usapan namin yung tungkol sa pageant, after ng pageant anong ganap sa amin at wala naman talaga maybe mas nakilala lang kami pero bukod roon wala naman, atsaka wala naman na ako pake sa popularity ang mahalaga sa 'kin is yung pagiging role model ko kahit na isang buwan lang at least experience na rin.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now