CHAPTER EIGHT

877 38 0
                                    

ISANG oras na lang ang hinihintay ko para sa dismissal ng klase ko ala sais na ngayon at pagkatapos nitong last subject ko uuwi na agad ako para gawin yung dalawang essay sa dalawa rin namin subject na kailangan agad bukas ipasa. Sana talaga maabutan ko si Bailey may balak ako magpahatid sa kaniya.

Busy sa pagsasalita si Ms. Smith ng mapansin ko na tila puro may mga half yung naging prof namin.

Okay hindi ako interasado sa buhay nila sa subject lang nila ako interesado.

Hindi sa talambuhay nila kaya tumingin na lang ako sa harapan at nakinig na lang sa sinasabi niya kahit nakakaboring na naman ulit.

Ilang minuto lang din ay nag-bell na senyales na uwian na rin sa wakas makakapagpahinga na rin ako dahil feeling ko kasi simula nung klase ang dami na agad namin ginagawa siguro ay dahil kapag talaga nasa last year mo na sa college hindi mo ramdam na first day class mo.

Nag ayos na ako ng mga gamit ko pati mukha ko dahil mukha na akong pagod dahil sa pamumutla ng mukha ko at nagpadagdag pa ang pamumutla ko ay yung hindi ko masyadong paglalagay ng kung ano ano sa mukha ko ayoko lang talaga.

I believe that simplicity is the real meaning of being beautiful kaya maganda ako charot.

sa wakas natapos na ako sa pag aayos kaya naman lumabas na ako ng biglang may umakbay sa akin kilala niyo sino yan nauna na kasi si Aubrey sa akin kasama as usual kasama na naman niya yung manliligaw niya.

Kainis tila pinagpalit niya ako ng tuluyan sa manliligaw niya.

"Uwian niyo na ba?" Tanong ko kay Bailey.

"Vacant ko 30 minutes, hatid na kita sa baba." Sabi niya.

"Ay iba rin, anyway ano oras ba ang uwi mo?" Sabi ko sa kaniya.

"Mamaya pa, 8pm nakakaantok na nga."

"Keribels mo yan, text mo na lang ako kapag nakauwi ka na." Sabi ko.

"Sige sige,"

Nandito na kami sa gate. Nagpaalam na ako sa kaniya kaya lumabas na ako habang siya naman ay bumalik na sa loob kaya naglakad na ako para maghanap ng cofee shop dahil sa kailangan ko labanan ang antok ko, ilang minuto lang ay may nahanap akong isang coffe shop kaya pumasok ako rito at nag order ng maiinom tapos umupo muna.

Umiinom ako rito ng kape ng biglang may umupo sa harap ko pagkatingin ko ay si Christine pala kaya nagtataka akong tiningnan siya.

Anong ginagawa niya rito?

"Long time no see, ilang years nang lumipas pero still maganda pa rin walang kupas." Sabi niya na halatang natural lang din.

"Hmm... yes ikaw anong nangyari sa'yo? Ibang iba ka na sa Christine noon?" Nagtatakang kung tanong.

"Ang bilis talaga ng karma, ang dami ng nangyari sa akin na hindi maganda funny? Kabayaran sa mga ginawa ko sa'yo noon at Kay Mark na pinagsisihan ko na talaga at binabayaran ko na halos ang lahat."

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now