CHAPTER SIX

1K 49 0
                                    

"Ilan na ang nabilang mo na butiki ate?" Pabirong tanong ni Nathalia.


Huh!? Paano nakapasok 'to hindi ko man lang siya naramdaman.

Dahil nga sa nangyari sa amin ni Mark masyado ako space out hindi na ako makausap nila mama ng maayos at hindi na rin ako nakakain ng maayos. Ewan ko ba siguro dahil feeling ko masyado ako naging harsh kaya ganoon yung naging karma sa kaniya nakaka-guilty tuloy.

Dahil nga sa naging behaviour ko pinili ko na lang manatili rito sa kuwarto ko.

Hindi ko namalayan ang pagdating ng kambal.

"Ate!? Okay ka lang ba kasi you're spacing out pagdating namin dito." Sabi ni Nathalia.

Tiningnan ko sila para sabihin na I'm fine.

"Kaya nga, pagdating namin tulala ka kinakausap ka namin kaso umakyat ka ng hindi nagsasabi sa amin kaya ngayon wag ka ng mag-deny ate, anong problema mo." Tanong ni Nathalie na halatang nag aalala.

"Wala lang 'to, kayo talaga wag niyo na lang alamin dahil hindi niyo pa maiintidihan ang ganitong klase ng bagay kasi bata pa kayo siguro kapag nasa tamang edad na kayo maiintindihan niyo na kung ano ang tama sa mali." Sabi ko.

"Ate... Naalala mo kapag nakakagawa kami noon ng mali o kaya problema ikaw agad ang unang lumalapit sa amin para itanong kung anong problema namin." Sabi ni Nathalia.

"Noong panahon na kailangan namin ng kausap nandyan ka na kaagad para damayan kami ni Nathalia. Ikaw talaga ate, kapatid ka namin kaya alam namin kapag may problema ka." Dugtong pa ni Nathalie.

Nagkatinginan kami at bakas sa mga mata nila ang pag aalala.

Kinokonsensiya ako nitong dalawa kung kapatid masasabi ko na talagang matured na sila.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga sinasabi nila.

"Pero kung hindi ka pa ready ate okay lang, bibigyan ka namin ng time para mag isip muna kapag handa ka na makikinig kami sa 'yo." Sabi ni Nathalia.

"Sige na ate, magpahinga ka na muna sa ngayon dahil halatang sa mata mo na pagod ka na talaga. Rest ka na po muna." Sabi ni Nathalie.

Niyakap ko sila kaya naman niyakap din nila 'ko.

"Salamat sa inyo ha, wag kayo mag alala kapag ready na ako sasabihin ko sa inyo agad." Bulong ko.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap kaya naman tumayo na sila.

"We love you ate, always." Sabi ni Nathalie.

"Cheer up malalagpasan mo yan ate, sus ikaw pa. Malakas ka kaya tapos matatag." Pagpapalakas sa akin ni Nathalia kaya naman natawa 'ko sabay ngiti sa kanila saka nag thumbs up sa sign na malalagpasan ko rin 'to.

Tumango sila sa akin sabay lakad palabas.

Samantalang ako naisipan ko na lang magbasa ng story ng sa gano'n ay matigil muna ako sa pag iisip.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang