CHAPTER TWENTY ONE

620 39 2
                                    

LUNCH time ngayon at badtrip ako dahil sa sobrang lutang ko sa morning class ay napagalitan ako ng mga morning prof ko, iniisip ko pa rin lahat simula kay Bailey, Christian, yung tumulong sa akin si Rose, at si Aubrey halo halo na lahat sa utak ko. Promise hindi na na-absorb ng brain cell ko lahat ng nangyari sa akin kaya heto at mag isa ako sa canteen mag isa habang nakayuko.

Napaupo ako ng maayos ng maramdaman ko ang paghawak sa buhok, nakita ang mukha ni Bailey habang nakangiti.

"Problema mo na naman ba? Parang pasan mo ang mundo sa pinapakita ng mukha mo." Sabi niya pa.

Napabuntong hininga ako.

"Haist... Naguguluhan na talaga ako paano ba yun? Ang sakit na kasi ng utak ko." Sabi ko sabay balik sa pagkakayuko.

"Alam mo kasi hindi ka naman ganyan ka problemado kung maaga pa lang maayos mo na agad 'to, masaya kaya kapag walang problema tapos basta masaya ka lang dapat." Sabi niya.

Kung madali lang maging masaya ginawa ko na nadadala rin kasi ako ng konsensiya ko basta magulo talaga pinapasa Diyos ko na lang.

"Haist... Change topic, ano ba yung sasabihin mo sa akin?" Sabi ko.

"Nag usap kami ni Rose, nabanggit niya sa akin na nagkausap kayo friend na pala kayo, ayos yun atsaka wala naman kami napag usapan na comeback may mahal na kasi akong iba." Sabi pa niya.

So tama ako na may mahal siya na iba, okay Taliyah minus one na yunng problema ko, salamat kung gano'n. Anyway, hindi ako nagseselos sa mahal ni Bailey curious lang talaga ko kung sino.

"Who's that lucky girl stole your heart? Sino ba yan ng makilala ko at mabalaan ko na about sa'yo?" Natatawa pang aasar ko rito.

"Secret muna sa ngayon, hindi pa ako ready. Pero mabait siya at super simple niya like you." Sabi niya.

"Soon, ma-me-meet ko rin siya." Sabi ko.

"By the way, kumain ka na ba? Bakit parang ang tamlay mo?"

"Hindi pa ako gutom, mauuna na pala ako sa'yo okay lang ba?" Pagpapaalam ko.

"Oo sige, basta sabay tayo mamaya."

"Ay, oo sige same lang pala tayo ng uwi sige hintayan tayo sa may baba alam mo na saan yun."

"Oo sige, magiging okay ka rin trust me."

Ngumiti na lang ako sa kaniya saka naglakad palabas ng canteen sabay buntong hininga kasi finally nabawasan na yung inaalala ko.

Nag aayos na ako ng mga gamit ko dahil uwian na namin at isa pa nasa labas na si Bailey naghihintay sa akin, nauna kasi sila sa amin dapat sabay lang kami.

Natanaw ko agad siya at nagkataon din na kami na lang ni Aubrey ang nandito sa room pero dahil gusto ko maging okay kami ay naglakad ako palapit sa kaniya ng magsalita 'to hindi pa ako nakakalapit sa kaniya.

"Bukas sa may garden usap tayo, after class." Sabi niya.

Pagkatapos niya yun sabihin ay umalis na siya bastos hindi hinintay ang reply ko hindi ko na lang 'to pinansin pa at naglakad na lang ako palabas dahil nakalimutan ko ata na may naghihintay pa sakin sa labas na kailangan ko rin makausap.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now