CHAPTER FIFTY-NINE

358 24 0
                                    

Jasmine Point of view

MABILIS na lumipas ang araw hindi namin namalayan na mamaya na yung laban namin nandito ako ngayon sa room kung saan kami pinagbibihis kasi mamaya mag uumpisa na siya.Si Taliyah kasama ko rin ngayon dito sa dressing room pare pareho kaming mga babae rito kaya ayos lang sa amin, sa kabila naman ang mga lalaki.

Hayaan natin sila magpalakihan ng ano nila charot iba na naman iniisip niyo kayo talaga mga utak niyo.

Nakita ko roon si Taliyah kausap yung make up artist niya na bakla kabog sa ganda ang bestfriend ko ibang iba siya sa Taliyah na nakakasama ko sa Taliyah na nasa school siya at bahay tapos ngayon Taliyah na mukhang barbie.

Makalipas ang ilang minuto ay tinawag na kami para sa intermission number hindi naman ako kinakabahan confidence ako sa laban ko manalo matalo okay lang yun basta kapag natalo ako kailangan panalo si Taliyah kung hindi niyo natatanong kasi top 10 na kami tapos mamaya magic 5 naman ang pipiliin para sa q and a portion namin tumayo na ako at yung iba at isa isa na kaming tinawag.

Infairness maganda rin yung iba hindi nagpakabog.

Sa wakas naka-survive na kami sa intermission namin ngayon naman ay ang traditional custome na pinagbunutan namin na talagang pinaghandaan ko recycle rin kasi ang gamit na ginamit namin para raw less gastos.

"Hello nangalakal kaya ako ng isang linggo para sa custome ko buti na lang talaga hindi busy si Joaquin kaya natulungan ako infairness pinagkakaguluhan siya nung nangalakal kami ang dami nagpa-picture pero sorry suitor ko siya at hindi ko siya shine-share sa iba akin lang ang pag aari ko ayoko may kahati." Sabi ko sa sarili ko.

Sorry he's mine not now but soon.

Makalipas lang din ang ilang minuto ay natapos na kaming lahat tinawag na kaming lahat para isa isang ipakita ang mga traditional costume namin mauuna naman ang mga babae kaya mabilis lang naman pero ilaban natin yan narinig ko na rin naman yung mga kaklase ko tapos buong fashion designer course nandoon din sila syempre mga supportive tapos hindi mawawala sila mommy at daddy na suprise ako sa kanila kaya mas lalo ako ginanahan tapos hindi lang yun lalo lang din akong na-motivate lumaban dahil sa kanila.

Makalipas ang kalahating oras ay natapos din kaming mga babae at sa wakas susunod na ang mga parangal namin dito, sa wakas naman ayoko naman din kasi tumagal kami nagugutom na rin po kaya ako kailangan ko makakain kahit sana biscuit lang pero keribels na ito laban natin guys.

"Haist, I'm so tired." Sabi ko saka malakas na napabuntong hininga.

♡︎♡︎♡︎♡︎

Taliyah Point of view

Q and A na namin sobrang saya ko kasi nakapasok kaming apat nila Camille, Bailey at ni Jasmine sa q and a kaming tatlo magkakatalo wala naman kaso kahit isa sa amin ang manalo basta sana kahit isa sa amin masaya na 'ko at least na experience ko makasali sa buong pag aaral ko naranasan ko sumali sa pageant sa una at huling pagkakataon ko.

Nakakuha ako ng Best in Intermission number at yung sa Best in Close up smile tapos si Jasmine sa traditional at Photogenic tapos si Camille sa talent nakakuha siya si Bailey naman sa Photogenic at sa Close up smile buti naman may natanggap kami kahit papaano.

Ako na ngayon ang sasagot sa q and a portion namin kinakabahan ako pero hindi na masyadong kaba kasi nasa likod ko si Jasmine na nagpapalakas ng loob ko atsaka si Bailey rin kahit papaano kaya naman pagkatawag sa akin ay pumunta na ako sa may stage narinig ko yung cheer ng mga kaibigan ko sila mama at yung mga kapatid ko.

"Ang ganda mo naman number 4," sabi ng host.

"Thank you po," nahihiyang sagot ko.

"What are you feeling right now?" Sabi niya pa.

"Nervous,"

"Before anything else, ito ang tanong para sa'yo. A true Ms. Campus is what type of person should be?" Tanong niya sa 'kin, binigay niya yung mic tapos ay kinuha ko naman at humarap ako sa maraming tao.

"Para sa akin ang pagiging Ms. Campus hindi ka lang dapat maganda, kailangan mayroon ka ng puso, utak at paniniwala kay God. Puso na handang tumulong ng walang hinahangad na kapalit, isip na umunawa ng tama sa mali at marunong magpatawad at humingi ng tawad at ang huli pananalig sa diyos naniniwala ako na ano man ang pagsubok na dumating pray ka lang matutulungan ka ni God kung mayroon ka ng tatlo na yan ikaw ang tunay na Ms. Campus naniniwala kasi ako na sa pagsali o pagtawag sa'yo ng Ms. Campus ay hindi lang dahil sa maganda ka kailangan may utak ka at puso na kayang iharap sa maraming tao, yun lamang po at maraming  salamat." Sabi ko tapos nagbow na kasabay nito ang malakas na sigawan at palakpakan.

"Palaban si number 4," sabi ng host

Sumunod na sila Jasmine at Camille tapos ay announcement na for winner at talaga naman nawala kaba ko ng ma-deliver ko yung sagot ko ng maayos.

You made it Taliyah ang galing mo today and goodluck kaya mo yan laban lang.

Makalipas ang ilang minuto ay announcing of winning at talagang naiyak ako kasi hindi ko ine-expect na ako ang nanalo kauna unahang Ms. Campus at talagang grabe naghalo halo ang emosyon ko, binigay na sakin yung sash tapos mga trophy at yung crown at super naiiyak talaga ako, I made it nagawa ko salamat God ikaw ang gumabay at nagbigay ng lakas loob sa 'kin pag abot sa akin ng mga nakuha ko ay inabot sa akin ang mic para raw speech ko.

"First of all unexpected ang nangyari hindi pa rin naa-absorb ng utak ko, una sa lahat thank you sa mga BSA na sumuporta rito ngayon kay Ms. Ramos na nandito at nag-cheer for me sa mama at mga kapatid ko na nandito salamat po at syempre sa mga kaibigan ko salamat sa inyo, at huling huli kay God binigyan ako ng lakas ng loob para mapagtagumpayan ko lahat ng nakuha ko ngayon. Sa inyong lahat na nandito ngayon mga ka-batch ko mga teacher ko at sa principal kayo ang magiging saksi sa pagiging role model ko sa Campus natin tutuparin ko ang pagiging Ms. Campus ko at hindi kayo magsisi maraming salamat po." Sabi ko.

I made it nanalo ako sa una at huling pagsali ko rito sa contest at kung may bagay ako natutuhan yun ang maniwala na kaya mo magtiwala sa sarili mo kakayahan at wag ka susuko kasi lahat ng laban sa buhay natin pinaghihirapan hindi madali ang lumaban pero kapag naging matatag ka at naniwala ka sa kakayahan mo magagawa mo at heto ako nagawa ko, ako si Taliyah Agustin your Ms.Campus 2018 magkita kita tayo sa susunod at samahan niyo 'ko sa aking journey bilang Ms. Campus.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now