CHAPTER TWO

2.1K 55 4
                                    

"Lovelife," iyon ang bungad kung tanong kaya napatango siya.

Halata naman lovelife problema niya, hindi naman siguro siya maiinis ng gano'n kung family matters o problema sa kaibigan kasi puwede naman hindi magwala eh.

Iba talaga nagagawa ng lovelife.

Nagkuwento nga siya akin, ewan ko ba feeling ko masakit ang nakaraan niya sa mukha pa lang niya halatang broken na talaga.

"Broken ako ngayon, paano kaka-break lang namin ng girlfriend ko, lahat naman ginawa ko para maging maayos kami kaso minsan talaga kapag tadhana nang gumawa ng paraan wala ka na talagang magagawa pa, atsaka masakit din kasi 2 years na sana dapat kami kaso wala yung dalawang taon na yun sayang lang siguro nga tama sila baka katulad ng ilan kami rin yung klase ng relasyon na pinagtagpo pero hindi tinadhana."

Boom, tama nga ako na broken siya. Ang galing ko mag-conclude.

"Haist, sakit talaga sa ulo at puso kapag nagmamahal ka, hindi mo ba yun alam?" Tanong ko.

Akala mo ako hindi na-experience.

"Alam ko naman 'yon pero kapag mahal mo yung tao ns yun, you have to take the risk kaysa naman may pagsisisihan ka sa huli."

"Kung mahal mo naman pala bakit hindi mo pinaglaban nung naghiwalay kayo?" Sabi ko, naalala ko lang kasi bigla yung kasabihan na kung mahal mo ipaglalaban mo.

"Naghiwalay kami dahil sa kaniya, niloko niya ako kahit gaano ko pa siya kamahal masakit kaya na lokohin ka."

"Puwede tigilan mo na yung kakaiyak mo, bakla ka ba dinaig mo pa 'ko pre. Dapat kasi simulan mo na ngayon mag-move on atsaka isa pa makakahanap ka rin ng para sa'yo tandaan mo yan." Pag-che-cheer up ko ng sa gano'n hindi siya masyado panghinaan ng loob.

"Paano mo yan nasasabi? Paano mo nagagawa yung ganyan na klase ng bagay?"

"Ang alin?" Nakakunot kung tanong.

"Ang mag-advice."

Nginitian ko 'to. Syempre naranasan ko kaya nakakapag-advice ako. Experience is the best teacher. Wala naman mawawala kung mag-a-advice ako sa kapwa ko nasaktan kagaya ko, iisang reason which is love.

"Ang mag-advice sa mga ganitong sawi ay dahil siguro alam ko ang pakiramdam ng ganyan, I just want to give you a suggestion kasi katulad mo pinagdaanan ko na rin yan. Alam ko yung feeling." Kalmadong sabi ko.

"Paturo nga ako paano sumaya ulit," sabi nito kaya nginitian ko 'to.

"Tip number one, hindi ko binibigay lahat ng pagmamahal ko kasi kapag binigay mo lahat paano ka naman siguro yun ang pinagkaiba nating dalawa."

"Siguro tama ka nga, minahal ko yung tao ng sobra sobra tapos siya ang naging mundo ko na dapat mahal ko lang talaga."

"Basta ang mai-sa-suggest ko ay mag-move on ka na lang, tara mag ikot tayo rito sa Park maglakad na lang tayo tapos magkuwento ka tungkol sa ibang bagay ganoon din ako sa'yo."

Tumayo na kami at nag umpisa na maglakad habang nag uusap tugkol sa iba't ibang karanasan namin sa buhay.

Nakakadalawang ikot na kami ng maisipan naming umupo ulit sa may swing, dahil nga nakakapagod rin maglakad pero mararamdaman mo lang siya kapag nakaupo ka na pero kapag may kausap ka syempre hindi mo ramdam kasi nag-e-enjoy ka.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now